BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-71 labas

TAKOT na takot si Hazel.

Kung hindi dahil kay Bruce, nahuli sana siya ng mga pulis.

Nakarating siya sa bahay.

Takot pa rin ang pakiramdam ng babae.

Pagpasok niya sa bahay, sinalubong siya ng kasambahay ni Mr. Tirazona.

“Tamang-tama ang dating mo, ate. Tumawag si Sir,” sabi nito sabay abot sa kanya sa hawak na wireless telephone.

“Mabuti at tumawag ka,” karakang sabi ni Hazel. “May problema rito. Hinuli ng mga pulis si Bruce. Mabuti at nakatakbo ako.”

“Bakit naman kayo huhulihin ng mga pulis? Ano ba ang kasalanan na ginawa ninyo?” tanong ni Mr. Tirazona sa kabilang linya.

“Ang hayop na si Joven, sinabi sa mga pulis na nasa akin ang anak ko na si Angel gayung alam niya na natakasan kami ng bata nang sapilitan naming kunin sa asawa ko na si Joseph. Wanted ako ngayon sa mga pulis,” sum-bong ni Hazel.

“Don’t worry dahil pauwi na ako. May tinatapos lang ako pero hahabol ako sa last flight ng eroplano pabalik ng Pilipinas mamaya,” sagot naman ni Mr. Tirazona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply