BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-73 labas

NAKARAMDAM ng lugod si Joseph dahil sa sinabi ng matandang houseboy.

Kahit hindi niya nakikita si Glenna, alam niya na maganda ang dalaga.

Mga palad niya ang magpapatunay dahil hindi lang nasalat kundi naangkin niya ang mayamang babae.

Kusa niyang ibinigay ang sarili sa kanya.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang bumungad sa kuwarto ang kasambahay ni Glenna.

“Ibaba mo raw si Joseph. Gusto raw makausap ni Mam,” sabi nito at karaka ring umalis.

Kaagad namang inakay ng matandang houseboy ang bulag palabas ng kuwarto.

Hanggang sa pagbaba ng hagdanan.

Ilang saglit pa at kaharap na ng dalaga si Joseph.

Pinaupo ng houseboy ang bulag sa harap ng mayamang amo.

“Alam mo ba kung bakit kita ipinatawag, Joseph?” masayang tanong ng dalaga.

“W-Wala akong ideya,” sagot naman ng bulag.

“Tumawag ang kaibigan kong eye surgeon. May namatay sa isang aksidente sa Makati Med pero bago nalagutan ng hininga ay sinabi sa kanyang pamilya na gusto niyang i-donate ang kanyang mga mata sa mga hindi pinalad na makakita,” masayang kuwento ni Glenna.

Nagliwanag ang mukha ni Joseph dahil sa narinig.

Tuwang-tuwa rin ang houseboy.

“May pag-asa ka nang makakita, pare,” aniya.

“Nagtatanong ngayon ang kaibigan ko kung kailan ko gustong maoperahan ka at sinabi ko namang sa lalong madaling panahon. Kaya bukas na bukas din ay ibabalik kita sa eye clinic para maoperahan ka na,” patuloy naman ni Glenna.

“T-Thank you, Mam, Nalulunod ako sa galak. Maraming salamat,” masayang sabi ng bulag.

Matapos ang konti pang pag-uusap, ipinabalik na ng dalaga si Joseph sa kanyang kuwarto.

Muling inakay ng houseboy ang bulag patungo sa second floor ng bahay.

Biniro ng una si Joseph nang makapasok sila sa kuwarto ng huli.

“Malapit ka nang makakita. Muli mo na namang masisilayan ang kaguwapuhan mo, iho,” biro
ng matandang houseboy.

Tahimik lang ang bulag pero excited.

Sabik na sabik na siyang makakita.

Para siya makapagpahinga, saglit na nagpaalam ang houseboy.

“Huwag kang aalis dito at magkukusang bumaba ng hagdanan dahil baka mahulog ka. Hintayin mo ako dahil babalikan kita,” paalam ng una.

“Sige! Basta hihintayin na lang kita rito,” sagot naman ni Joseph.

Nang umalis na ang houseboy, pakapang lumapit sa kama ang bulag at nahiga.

Habang wala siyang ginagawa, gusto muna niyang magpahinga.

Kahit bulag, ipinikit pa rin niya ang mga mata para matulog.

Nang maramdaman niyang bumukas ang pintuan tapos ay muling sumara.

Hindi siya kumibo.

Inisip niyang nagbalik na ang houseboy.

Simula nang mawalan ng ilaw ang kanyang mga mata, tumalas naman ang kanyang pakiramdam kaya alam niya na palapit sa kanya ang bagong dating.

Hindi niya naiwasang magtaka …

Hindi mabaho pero hindi nagpapabango ang houseboy.

Pero sobrang bango ng kanyang nalalanghap …

Bango na mamahalin …

Pabango ng isang babae.

Kung gayun, hindi ang houseboy ang pumasok sa kanyang kuwarto.

Hindi niya naiwasang manghula …

“I-Ikaw ba iyan, Glenna?” tanong ni Joseph. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply