BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-76 Labas

HINDI madaling sumuko ang alaga ni Joseph.

Pang-marathon kasi ang kalidad nito.

Kaya mani lang para sa kanya ang natikmang karanasan sa babaeng hindi niya nakilala.

Sana’y hindi kaagad ito umalis para nagsawa siya.

Dahil bitin, hinimas nang hinimas na lang niya ang kanyang alaga hanggang sa ma-relaks ang kanyang pakiramdam.

Nakatulog na ang bulag.

Eksaktong alas-7:00 ng umaga nang gisingin siya ni Mang Ipe para gumayak na.

Sabi kasi ni Glenna kahapon, pagkatapos nilang mag-almusal ay lalakad na sila.

Pinapaligo muna siya ni Mang Ipe tapos ay tinulungang magbihis.

Ang biniling damit ng dalaga ang suot niya.

Pailing-iling na napangiti ang houseboy nang nakaporma na si Joseph.

“Guwapo ka pala at ang ganda ng tindig mo. Maraming babae ang tiyak na mahuhumaling sa iyo oras na muli kang makakita,” palatak ni Mang Ipe.

Gusto niyang sabihin sa houseboy na kahit bulag siya, marami siyang natatanggap na indecent proposal sa pag-tatrabaho niya sa gaybar bilang dancer pero hindi na lang niya ikinuwento.

Nang nakagayak na siya, inakay na siya ng houseboy palabas ng kuwarto hanggang sa kitchen.

Nakahain na ang kusinera pero wala pa ang kanilang amo.

“Si Mam Glenna?” tanong ni Mang Ipe sa housemaid.

“Bababa na iyon,” sagot naman nito.

Hinintay nila ang pagpasok ng dalaga sa kusina.

Hindi naman nagtagal at pumasok na si Glenna.

Sa harapan ni Joseph siya naupo.

Anyong nakagayak na rin ang dalaga.

Humalimuyak ang mamahaling pabango na gamit niya.

Natigilan ang bulag …

Pamilyar sa kanya ang pabangong gamit ng dalaga …

Ganito ang halimuyak na nakadikit sa bedsheet ng kanyang kama.

Dahil dito, sigurado si Joseph na si Glenna ang pumasok sa kanyang kuwarto at buong init na nakipagtalik sa kanya.

Nagpatay-malisya na lang ang bulag.

Nagsimula na silang mag-almusal.

“Magsaya ka dahil malapit ka nang makakita, Joseph,” sabi ng dalaga habang sila ay kumakain.

“Sana nga. Para makita ko na kung gaano kaganda ang babaeng nagmamalasakit sa akin,” sagot naman ng bulag.

Napangiti si Glenna.

“Hindi ka matutuwa kapag nakita mo ako, Joseph. Pangit ako,” aniya.

“Hindi ako naniniwala. At sakali mang nagsasabi ka nang totoo, ginto naman ang iyong kalooban kaya hindi mababawasan ang paghanga at pagkakilala ko sa iyo.”

Biglang binago ng dalaga ang usapan.

“Kumain ka na. Gusto kong makarating kaagad tayo sa clinic para masimulan na ang operasyon sa iyong mga mata,” sabi ni Glenna.

Hindi na nagsalita pa si Joseph.

Inasikaso na lang ang pagkain.

Si Mang Ipe ang tagalagay ng ulam at pagkain sa kanyang plato.

“Gusto mo pa ba, Joseph?” tanong ng houseboy.

“Tama na po. Busog na ako,” sagot naman niya.

Matapos kumain, saglit lang na nagpahinga at lumakad na ang dalaga.

Hindi nila kasama si Mang Ipe.

Tahimik habang sila ay nagbibiyahe.

Binasag ng dalaga ang katahimikan.

“Kapag nakakakita ka na, ano ang plano mo, Joseph?” tanong ni Glenna.

“Gusto kong makita kaagad ang anak ko,” mabilis na sagot ng bulag.

“Kapag nabawi mo na siya, ano pa ang plano mo?”

Hindi malaman ni Joseph ang isasagot.

“Wala ka bang plano na bumuo ng bagong pamilya?” patuloy naman ni Glenna. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply