BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-78 labas

NAIWAN si Joseph na tanging ang nars na magbabantay sa kanya ang kasama.

“Ang suwerte mo sa iyong misis, Sir. Ang ganda-ganda niya at napakabait pa,” sabi ng nars.

“Hindi ko siya asawa!” sagot naman ng bulag.

“Ah … nobya mo pa lang!”

“Hindi ko rin siya nobya!”

“E, ano ninyo siya, pinsan?”

“Wala kaming relasyon. Tinutulungan lang niya ako!”

“Ganun! Ang suwerte mo naman, Sir. Pero oras na makakita ka na, lalaban ako ng pustahan kapag hindi ka nainlab sa kanya,” sabi ng nars.

“Ang tanong, kung magugustuhan niya ako!”

“Sa ginagawa niyang pagtulong sa iyo, hindi ako naniniwala na wala siyang pagtingin sa iyo, Sir!”

Hindi umimik si Joseph.

“Hindi ako dating bulag. At ang totoo, may asawa na ako at anak. Pero nang maaksidente ako at mabulag, iniwan ako ng asawa ko at sumama sa ibang lalaki. At ang masakit, tinangay pa nila ang aking anak na babae,” maya-maya’y kuwento niya.

“How sad naman!” sabi ng nars. “Pero kung minalas ka sa una mong relasyon, naniniwala ako na may maganda na naghihintay sa iyo. Si Mam Glenna.”

Muli ay hindi nagsalita ang bulag.

Naputol ang kanilang pag-uusap.

Ang boy ng ospital.

Dala na ang dinner ni Joseph.

Inilagay niya ang mga ito sa naroong mesa.

“Sir, kung gusto mo nang kumain, sabihin mo lang!” sabi ng nars.

“Nagugutom na nga ako. Please assist me naman, ha!” sagot ni Joseph.

Inakay ng nars ang bulag patungo sa mesa.

“Para hindi ka mahirapan, susubuan na lang kita, Sir!” sabi ng nars.

“Nakakahiya naman sa iyo. Ang laki-laki ko na pero hindi kayang kumaing mag-isa,” sabi ni Joseph.

Tumawa ang nars.

“Ikaw talaga, Sir. Sa kalagayan mong iyan, paano mo maaasikaso ang sarili mo?” aniya.

“Huwag kang mag-aalala. Kapag nakakakita na ako, ibo-blowout kita!” pangako ni Joseph.

“Talaga, Sir? Ang yabang ko siguro kapag kasabay kita sa paglalakad. Ipagyayabang ko na nobyo kita,” sabi ng nars saka malakas na tumawa.

Natawa na rin si Joseph.

Natapos siyang kumain.

Saglit na nagpaalam ang nars.

Kakain lang daw siya sandali tapos ay babalik siya para samahan si Joseph sa buong magdamag.

Pumayag naman si Joseph.

SA mga sandaling iyon, nasa mood si Mr. Tirazona.

Kaagad niyang inaya si Hazel na pumasok sa kanilang kuwarto.

Sunud-sunuran lang ang babae sa gusto ng lalaki.

Wala siyang karapatang tumanggi kahit labag sa kanyang kalooban ang gagawin ni Mr. Tirazona.

Mainit ang lalaki sa simula…

Parang kabayo na umalma sa starting line pa lamang.

Hinayaan ni Hazel na palayain ng lalaki ang kanyang panggigigil …

Sa umpisa lang naman ito ganado …

Pero kapag nagtagal, magmimistulang sasakyan ito na mauubusan ng gasolina.

Kakatok na!

Hataw to the max si Mr. Tirazona.

Sinasamantala ang pagkakataon na ganado pa siya.

Kahit papaano’y tinablan din si Hazel.

Nanggigil na rin siya …

Nakipagsabayan na kay Mr. Tirazona.

Pero nagsisimula pa lang siya, patapos na ang matandang lalaki.

Hanggang sa bigla na lang itong tumigil at nanginginig ang katawan na nalaglag sa kanyang tabi.

Tulog kaagad.

Masama ang loob ni Hazel.

Hindi siya makapapayag na mabitin …

Pinakiramdaman niya ang lalaki kung talagang tulog na.

Nang masiguro na tulog na tulog na ito, marahan siyang bumangon para lumabas ng kuwarto. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply