BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-80 labas

NAPATINGIN si Mr. Tirazona sa kuwarto ng bodyguard na si Bruce.

Mukhang gising pa ang huli at hindi siya nag-iisa.

May kasama siya na sa hula niya ay isang babae.

Anyong nasa kaigtingan na sila ng kanilang pagtatalik.

Dumaraing ang babae at umuungol naman ang bodyguard.

Gusto niyang sitahin si Bruce sa pag-uuwi ng babae pero hindi ngayon.

Hindi sa pagkakataong ito na nasa kaigtingan sila ng pagsasalo sa kaligayahan.

Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat sa hagdanan.

Diretso siya sa balkonahe…

Pero wala rin dito si Hazel…

Nag-iisip na bumalik siya sa kanilang kuwarto …

Naupo sa kama …

Nang biglang mapaunat ang kanyang ulo dahil sa naisip.

Tanda niya na hindi umalis si Bruce kanina …

Hindi kaya ang babae na kasama niya sa kanyang kuwarto, ang kasuyo na si Hazel?

Nginitngit ng selos ang kanyang puso kasabay ang pag-akyat ng dugo sa kanyang ulo.

Bigla niyang ikinasa ang hawak na baril saka patakbo siyang lumabas ng kuwarto.

Halos magkandahulog siya sa pagbaba ng hagdanan.

Nang makarating siya sa kuwarto ni Bruce, malakas niyang sinipa ang pintuan.

Nang bumukas ang pintuan, dalawang kamay niyang itinutok ang hawak na baril sa loob.

Gimbal na napaatras si Bruce …

“S-Sir, bakit?” gimbal na tanong ng bodyguard.

“NASAAN SI HAZEL?” galit na sigaw ni Mr. Tirazona.

“W-Wala siya rito, Sir!” takot na sagot ng bodyguard.

“Nasaan ang babaeng kasama mo rito?”

“Umalis na, Sir!”

“Sino siya?”

“Maid siya sa kabilang bahay, Sir. Pinagtiyagaan ko na kaysa magkamay, Sir!” sagot naman ni Bruce.

Kumikinig ang katawan na ibinaba ni Mr. Tirazona ang hawak na baril pero matalim na tinitigan ang bodyguard.

Matagal …

Matapos ito, wala siyang paalam na umalis.

Saka pa lang nakahinga nang maluwag si Bruce.

Nanlalambot na naupo sa kama.

Umakyat na naman sa itaas si Mr. Tirazona.

Pulang-pula pa rin ang mukha sa galit.

Tinadyakan pabukas ang sariling pintuan.

Sa loob, gulat na napabangon sa pagkakahiga si Hazel dahil sa narinig na malakas na kalabog sa pintuan.

“Bakit ka ba nagwawala? Ano ba ang problema mo?” tanong ng babae.

“Saan ka nanggaling?” matigas na tanong ng lalaki.

“Hindi naman ako umaalis, ah!” mabilis na sagot ng babae.

“Hinahanap kita at hindi kasinglaki ng kastilyo ang bahay na ito para hindi kita makita,” sabi ni Mr. Tirazona.

“Hindi mo lang ako nakita. Nagkasalisi lang tayo!” giit naman ni Hazel.

Hindi kumbinsido ang lalaki sa paliwanag niya.

“Maghubad ka. Wala kang ititira ni panty!” utos ni Mr. Tirazona.

“Ano ba ang nangyayari sa iyo? Gusto mo pa ba? Kaya mo pa ba?” sunod-sunod na tanong ni Hazel.

“Huwag kang maraming tanong. Sundin mo ang utos ko!” bulyaw ng lalaki sa babae.

Nagdadabog na naghubad ang babae.

“Wala kang ititirang saplot!” utos ni Mr. Tirazona.

Nang mahubad ang suot na damit pantulog, panty naman ang isinunod.

Wala na kasi siyang suot na bra.

“Nakahubad na ako. Ano ngayon ang gusto mong mangyari?” nakapamaywang na sagot ni Hazel.

Nilapitan ng lalaki ang babae …

Parang aso na sininghot-singhot …

Mabango …

Wala siyang maamoy na dapat niyang ipaghinala.

Saka pa lang siya nakuntento …

“Magbihis ka na!” utos ng lalaki kay Hazel.

Inismiran ng babae si Mr. Tirazona.

“Wais ito. Alam ko na gagawin mo ito kaya pinaghandaan ko!” sabi niya sa sarili.

Hindi nagbihis si Hazel.

Niyakap niya si Mr. Tirazona.

Alam niyang wala nang ibubuga ang lalaki kaya gagantihan niya ito sa pamamagitan ng panunukso. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply