BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-81 labas

NILANDI nang husto ni Hazel si Mr. Tirazona para mabura sa isipan nito ang pagseselos.

Alam naman niyang hindi na ito makasasabay sa kanya dahil matanda na.

Ang mga katulad nila, madaling kuryentehin …

Ang problema, maikli ang buhay …

Kaya bago pa lang nag-iinit ang kapareha, lupaypay na si manoy niya.

Bitin si Hazel.

Tama ang plano ng babae…

Nawala ang sama ng loob ni Mr. Tirazona …

Napalitan ito ng matinding hiya sa babae dahil sa kabiguang mapaligaya ang kinakasama.

Tigas na paghingi niya ng paumanhin sa babae.

“Siguro nama’y naiintindihan mo na ang sitwasyon ko. Pasensiya ka na,” sabi niya kay Hazel.

“Okey lang! Ang importante sa akin ay mapaligaya ka,” nakangiting tugon naman ng babae.

Natulog na si Mr. Tirazona.

Gising pa si Hazel.

Nakasimangot.

Hindi siya papayag na laging bitin sa romansa.

Kaya basta’t nagkaroon siya ng pagkakataon, ang pagkukulang sa kanya ng kinakasama sa kama, papupunuan niya sa bodyguard nito na si Bruce.

Natulog na rin ang babae.

At mabilis na lumipas ang mga araw at gabi.

Isang umaga, pinuntahan ni Dra. Molina ang pasyente na inoperahan niya ang mga mata sa private room na kinaroroonan.

“May magandang balita ako sa iyo, Joseph,” sabi ng eye surgeon.

“T-Talaga, doktora? Ano ho ba iyon?” excited na tanong ng bulag.

“Tatanggalin ko na ang benda sa iyong mga mata. Makakakita ka na!”

Tuwang-tuwa si Joseph.

“Ang pagkakataong ito ang pinakahihintay ko. Maraming salamat, Doktora,” tuwang-tuwang sabi ng lalaki.

“Hihintayin lang natin ang pagdating ni Glenna at tatanggalin ko na ang benda sa iyong mga mata.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang mayamang dalaga.

Nabosesan pa ito ni Joseph.

“Sige, doktora. Tanggalin mo na ang benda sa kanyang mga mata,” sabi ni Glenna.

Inakay ng nars ang una at inalalayan sa pag-upo sa isang silya.

Kasunod nito, marahan na sinimulang tanggalin ni Dra. Molina ang benda sa kanyang mga mata.

Hanggang sa ganap na matanggal.

“Ngayon, dahan-dahan mong imulat ang iyong mga mata, Joseph …. dahan-dahan lang,” utos ni Dra. Molina.

Sinunod ng lalaki ang kanyang utos …

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata …

Madilim …

Malabo ang kanyang tingin nang ganap na maimulat ang mga mata …

“W-Wala pa rin akong makita, Doktora,” sabi ni Joseph.

“Ipikit mo ulit ang iyong mga mata tapos ay dahan-dahan mo ulit na imulat,” utos ni Dra. Molina.

Sunod naman si Joseph…

Malabo pa rin pero meron na siyang nababanaagan na mga tao sa harapan niya …

“Same process… ulitin mo…” utos ng eye surgeon.

Sunod ulit si Joseph …

Sa muli niyang pagmumulat ng mga mata, hindi niya napigilan ang matinding galak.

“N-Nakikita ko na kayo, Doktora Molina. Nakakakita na ako,” masaya niyang sabi.

“I’m so happy for you, Joseph. Take care of your new eyes,” galak namang sabi ng eye surgeon.

Matapos ang sinabi, masayang kinamayan si Dra. Molina ng mga nars at kasamahang doktor na sumaksi sa pagtanggal sa benda sa mga mata ng pasyente.

Nagpalinga-linga naman si Joseph.

“Doktora, nasaan nga pala si Glenna? Bakit parang wala siya rito?” naghahanap niyang tanong. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply