BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-84 labas

“TINUTULUNGAN din lang kita kaya lulubusin ko na. Kapag na-solve na ang problema mo, saka lang mapapanatag ang aking kalooban,” sabi ni Glenna kay Joseph.

Naunang tumayo ang dalaga para magtungo na sa kanyang kuwarto ang dalaga.

Naiwang mag-isa sa salas ang lalaki.

Umumpok sa kanya si Mang Ipe. May dalang dalawang bote ng beer.

“Tig-isa tayo. Pampatakbo ng dugo,” nakangiting sabi ng matandang houseboy.

“Sobrang bait sa iyo ni Mam. Hindi mo ba nararamdaman ang ibig sabihin nito?” tanong ni Mang Ipe.

Hindi umimik si Joseph.

“Hindi niya kailangan ng bayad sa lahat ng naitulong niya sa iyo. Iisa lang ang alam kong kailangan sa iyo ni Mam,” patuloy ng kasambahay.

“Ano?”

Inilapit ni Mang Ipe ang bibig sa taynga ni Joseph.

May ibinulong.

“Gusto mo bang mapalayas ako rito ni Glenna?” sabi ng lalaki.

“Hindi ganyan ang inisip kong mangyayari. Tiyak na magiging lubos na amo kita,” sagot naman ni Mang Ipe saka malakas na tumawa.

Hindi umimik si Joseph.

Uminom ng beer.

“Matanda na ako. Kabisado ko na ang mga babae. Bigay todo kapag sila ang nagkagusto.

Sila na ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa puso ng isang lalaki,” kuwento ni
Mang Ipe.

Hindi nagsalita si Joseph.

Hindi na siya bata.

May asawa na siya at anak. Alam na rin niya ang sinasabi ni Mang Ipe.

Pero kahit totoo ang kanyang sinasabi, sa laki ng respeto niya kay Glenna ay hindi niya magagawang samantalahin ang kagandahang loob nito.

Nakaubos ang laman ng kanilang bote. Kumuha pa ng tig-isa si Mang Ipe.

Pero nang maubos nila iyon, nagyaya nang matulog ang matandang lalaki. Pampaantok lang daw iyon.

Umakyat na sa itaas si Joseph at nagtungo sa kanyang kuwarto.

Pinatay ang ilaw at nahiga sa kama.

Habang gising, ang laman ng kanyang isipan ay ang anak na si Angel.

Kung saan ito hahanapin at paano matatagpuan.

Hanggang sa tuluyan na siyang tinalo ng antok.

Nagpikit na siya ng mga mata para matulog.

Hindi pa siya gaanong inaantok nang makalanghap ng pamilyar na pabango.

Nagdilat siya ng mga mata at sa pusikit na kadiliman ng gabi, nabanaagan niya ang magandang hubog ng katawan ng isang babae na nakatayo sa tabi ng kanyang kama.

“G-Glenna,” sambit ni Joseph.

Hindi umimik ang babae…

Marahang sumampa sa kama at nahiga sa kanyang tabi. Umunan sa kanyang bisig.

Dama ng lalaki ang kahubaran ng babae at langhap na langhap niya ang taglay nitong bango.

Mabilis na nag-init ang kanyang pakiramdam pero pinilit niyang kontrolin ang sarili.

Ayaw niyang magmukhang hayok sa laman sa paningin ng kapareha.

Pero ito ang nagpakita ng pagiging agresibo …

Pumatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng harapan ng kanyang pajama …

Mismong napatungan ang half hard na niyang alaga.

Marahang humimas ang kamay ng babae …

Pumisil-pisil …

Mabilis ang naging reak-siyon ng kanyang big bird na sabik sa seks.

Mabilis na tumigas saka biglang umigkas …

Bigla namang sinapo ng babae ang taglay na kabilugan. ITUTULOY

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply