BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-86 na labas

TILA may malakas na puwersa na humihila kina Joseph at Glenna patungo sa rurok ng kaligayahan.

Kapwa na sila nagkukumahog…

Hindi na magkamayaw habang papalapit sa rurok ng kaligayahan.

Malapit na …

Gabuhok na lang ang pagitan.

At sabay silang napasigaw kasabay ang paglaya mula sa kanilang kaibuturan ng masaganang katas ng kaligayahan.

Pareho silang naliligo sa pawis at nanggigitata ang harapan sa malagkit-lagkit at mainit-init na bunga ng kanilang pinagsaluhan.

Para hindi mabigatan ang talaga, nagpatihulog na si Joseph sa tabi ng babae.

Gusto ng lalaki na kausapin si Glenna pero hindi naman niya malaman kung paano magsisimula.

Gayundin naman ang babae …

Kahit natapos na silang magseks, nagkakahiyaan pa rin sila.

Hanggang sa tumayo ang dalaga at lumabas ng kuwarto.

Naiwang nakatingin lamang si Joseph.

Nag-iisip…

Hanggang sa dalawin siya ng antok.

Nagpikit ng mga mata ang binata para matulog.

Umaga na nang siya ay magising.

Bago siya bumaba ng hagdanan, pumasok muna siya sa banyo at naghilamos saka nag-toothbrush.

Matapos ito, lumabas na siya ng kuwarto.

Nagulat siya nang makababa ng hagdanan.

Naghihintay na sa salas sina Sarhento Moreno at Kabo San Diego.

Sabay na tumayo ang dalawa at sumaludo sa kanya nang siya ay makita.

“Good morning, Sir. Reporting for duty!” sabay nilang sabi.

Napahawak sa batok ang lalaki.

“Puwede ba na huwag na lang ninyo akong saluduhan dahil hindi naman ako pulis o sundalo. Naiilang ako,” nakangiti niyang sabi.

Napangiti ang dalawang pulis.

Nang may magsalita sa kanyang likuran.

Si Glenna.

“Simula sa araw na ito, hindi ka lalakad nang walang kasama. Mahirap na. May sariling bodyguard ang tunay mong asawa. Mahirap na. Baka mauwi sa ‘di maganda ang komprontasyon ninyong dalawa. Mabuti na ‘yung may back-up ka,” sabi ng dalaga.

Napatingin si Joseph sa babae.

Back to normal na ang sitwasyon nilang dalawa.

Parang walang nangyari sa nakaraang gabi.

Gusto tuloy isipin ni Joseph na walang gusto sa kanya ang mayamang dalaga. Ginagawa lang siyang parausan.

At wala naman siyang magagawa kundi ibigay ang hilig ng babae dahil sa laki ng utang na loob niya rito.

Nang mula sa kusina ay lumabas ang kasambahay ng dalaga.

Naka-ready na raw ang almusal.

Inaya siya ni Glenna na kumain muna.

“Sana’y magtagumpay ang lakad ninyo. Makita na sana ninyo si Angel.
Sakaling magkakaroon kayo ng problema, tumawag lang kayo kaagad sa akin. Ako na ang bahalang humingi ng tulong sa departamento para magpadala sa inyo ng kailangang suporta,” sabi ng dalaga sa dalawang pulis habang kumakain.

“Yes, Mam!” sagot naman ni Sarhento Moreno.

Matapos kumain, saglit lang silang nagpahinga at humanda na para lumakad.

May iniabot na pera si Glenna kay Joseph.

Badyet daw nila para sa araw na iyon.

“Ang dami ko nang utang sa iyo. Hindi ko alam kung paano kita mababayaran,” sabi ng lalaki sa babae.

“Hindi mo alam, nagsisimula ka nang magbayad!” makahulugang tugon naman ni Glenna.

Natigilan si Joseph.

Wala naman siyang iniaabot na pera sa dalaga kaya gusto niyang isipin kung bakit nasabi ng babae na nagsisimula na siyang magbayad. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply