BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-89 na labas

“MAY CCTV camera ang restorang ito. Puwede ninyong magamit para madaling maaresto ang mga salarin,” sabi ng may-ari ng restoran kina Joseph.

Napatingin ang huli sa dalawang kasamang pulis.

Bago naman sila nakapagsalita, may dumating na mobile car.

Karakang nagsagawa ng imbestigasyon ang dumating na mga pulis.

Nagpakilala sina Sergeant Moreno at Kabo San Diego sa mga kasamahan.

Ipinaliwanag ang kanilang misyon.

Kinuha ng mga dumating na pulis ang kuha ng CCTV camera.

Sa mga sandaling iyon, malayo na sina Bruce at Hazel.

“Hindi sa lugar na iyon tayo dapat kumain. May nakakilala tuloy sa iyo,” sabi ng
lalaki sa babae habang nagmamaneho.

Parang nagsalita sa hangin ang una.

Nakatulalang nakatingin sa unahan si Hazel.

Bigla tuloy siyang siniko sa tagiliran ni Bruce.

“Ang lalim yata ng iniisip mo. Ano ba iyon?” tanong ng lalaki.

“N-Naiisip ko ang asawa ko. Hindi ko akalain na nakakakita na pala siya!” sagot ng babae.

“Bakit mo naman siya iniisip? Gusto mo bang makipagbalikan sa kanya?” pormal na tanong ng lalaki.

“Hindi ganun ang iniisip ko. Ang laman ng isipan ko, ngayong nakakakita na siya ay hindi niya ako tiyak na titigilan. Sa akin niya ipapasa ang problema sa pagkawala ng
aming anak.”

“Hindi ka niya puwedeng galawin hangga’t hindi ka binibitiwan ni Mr. Tirazona.

Ipaglalaban kita hanggang kamatayan,” pormal namang sagot ni Bruce.

“Dahil pala sa amo mo kaya gusto mo akong ipagtanggol. Hindi dahil sa mahal mo ako!” nagtatampong sagot ni Hazel.

“Alam mong nakaw lang ang ating relasyon. At alam mong pag-aari ka ng amo ko. Hindi maganda na malaman niya ang lihim nating relasyon. Malilintikan tayo pareho,” sagot naman ni Bruce.

Biglang binago ni Hazel ang tema ng kanilang usapan.

“Dumiretso na nga tayo sa talagang pakay nating puntahan. Kailangang makaraos tayo bago hanapin ng inutil na iyon,” sabi ng babae.

Hindi na umimik si Bruce.

Idineretso na lang ang kotse sa pinakamalapit na motel.

Nasa bahay sa mga sandaling iyon si Mr. Tirazona …

Painom-inom ng kape habang nanonood ng palabas sa telebisyon.

Hindi niya alam na magkasama sina Bruce at Hazel.

Alam niya na umalis ang babae para mag-shopping …

Ang bodyguard naman ay nagpaalam na uuwi ng kanilang bahay para dumalaw sa kanyang pamilya.

Simula nang paghinalaan niya ng masama ang dalawa, iniwasan na niyang dumikit sa isa’t isa.

Biglang nag-flash report.

Nagulat si Mr. Tirazona nang biglang i-flash sa TV ang mukha nina Bruce at Hazel.

Suspek sila sa pagdukot sa anak ni Joseph.

At kanina, muntik na silang mahuli ng mga pulis pero nakatakas.

Biglang napaunat sa pagkakaupo si Mr. Tirazona.

Wala siyang pakialam sa balita tungkol sa kanila.

Ang labis niyang ipinagtataka, kung bakit magkasama ang dalawa.

Muli tuloy nabuo sa kanyang isipan ang hinalang pinagtataksilan siya ng dalawa.

Galit na galit si Mr. Tirazona.

“Mga hayop sila! Pagkatapos ko silang pakainin sa aking mga palad, ganito ang igaganti sa akin!” nagpupuyos sa galit na sabi ng mayamang lalaki.

Noon din ay mabilis na dinampot niya ang telepono.

May tinawagan siyang tao.

Sa himig ng kanyang pananalita, may importante siyang ipinatatrabaho.

Sa mga sandaling iyon, nasa loob na ng isang motel sina Bruce at Hazel.

Sinasamantala ang pagkakataon na nakalibre sila kay Mr. Tirazona. Buong init na nagtatalik. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply