Bus bumangga sa poste ng flyover sa Ortigas; 30 sugatan

NAIPIT ang drayber ng Jayross bus matapos itong bumangga sa isang poste ng flyover sa Ortigas umaga ng linggo, ika-20 ng Nobyembre.

Ginamitan pa umano ng hydraulic jack para maalis sa pagkakaipit ang naturang drayber.

Samantala, sugatan naman ang hindi bababa sa 30 katao karamihan dito ay pasahero ng bus ang nasaktan at nasugatan. Kaagad naman ang mga ito naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Nagdulot ng matinding trapik sa panulukan ng Ortigas Avenue at EDSA ang naturang aksidente.

Base sa impormasyon ng MMDA, pagkatapos bumangga ng bus sa poste ay bumangga pa ito sa isang pulang L-300 van.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply