Bus nagliyab sa Santolan flyover

LALO pang nagsikip ang daloy ng trapiko sa Edsa, Quezon City nang magliyab ang isang bumabiyaheng pampasaherong bus kaninang umaga.

Sa kabutihang palad, walang namatay o nasaktan sa insidente dahil nakalabas agad ang mga pasahero bago pa nagliyab ang naturang pampasaherong bus na hindi nakuha ang pangalan dahil nasunog ang parte ng kinalalagyan ng pangalan nito.

Gayunman, nagsikip naman agad ang daloy ng trapiko sa Santolan flyover at Edsa na nasa kabila lamang ng Philippine National Police headquarters.

Mabilis namang rumesponde ang mga pamatay-sunog ng iba’t ibang fire department ay naapula naman agad ang nasusunog na sasakyan.

Inaalam pa ng awtoridad kung bakit nasunog ang naturang bus na hinihinalang dulot ng faulty electrical wiring. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply