Bus sumalpok sa tollgate

NASAKTAN ang limang pasahero ng bumangga ang sinasakyang pampasaherong bus kaninang umaga sa Coastal Road, Paranaque City.

Batay sa ulat ni PO2 Roberto Pagsisihan ng Paranaque City Traffic Unit, ang insidente ay naganap dakong alas-6:00 ng umaga sa toll booth ng tollgate sa Coastal Road na ikinasugat ng limang pasahero.

Nabatid na ang bus na may plakang NXS-663 ay nagmula sa Manila patungong Alabang at tinatahak ang Emilio Aguinaldo Highway.

Ang mga biktima ay dinala sa Florencio Benrnabe Hospital bunga ng bahagyang pinasala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO2 Pagsisihan, nawalan ng preno ang bus kaya minabuti ng driver na ibangga na lamang sa toll booth.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang naganap na insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply