12 katao sugatan sa banggaan ng bus

HINIHINALANG pag-aagawan sa pasahero ang naging dahilan ng pagsasalpukan ng dalawang bus na ikinasugat ng 12 katao sa Edsa ngayong umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagbanggaan ang isang unit ng City Bus at isang St. Augustine bus sa southbound lane ng Edsa, malapit sa Estrella Street sa Makati City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers, binangga ng St. Augustine bus ang likurang bahagi ng City Bus unit.

Inaalam pa kung gaano ka-grabe ang pinsala ng mga nasugatan na agad na naisugod sa iba’t ibang pagamutan.

Hinihinala ng MMDA na nagmamadali ang St. Augustine bus kaya dumulas ang preno nito at sumalpok sa bahaging likuran ng City Bus.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng awtoridad ang naganap na insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply