Busisiin na ang rekord ng mga kompanya ng langis

NITONG nakaraang dalawang linggo, dalawambeses na nagdagdag-bawas ang mga kompanya ng langis ng presyo ng kanilang mga produkto.

Nagbawas-presyo sila ng maliliit na halaga sa gasolina pero nagdagdag-presyo sila ng malalaking halaga sa diesel.

Dahil dito, ang dating nasa P43 kada litro na di-sel ay P45 na ngayon at lumiit nang kaunti ang presyo ng gasolina.

Pero sa nakararaming lugar sa labas ng Metro Manila, umaabot na ang diesel sa P50 kada litro at mahal din ang gasolina.

oOo

Dahil sa mga pangyayaring ito, dumarami na ang mga pampasaherong sasakyan na humihiling ng dagdag-pasahe rin.

Por eksampol ang mga dyipni na gustong gawin nang P10 ang minimum na pamasahe sa Metro Manila.

Ang iba nga ay nagtataas na ng singil sa pasahe kahit walang pahintulot ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board sa iba’t ibang paraan.

Isang halimbawa rito ang paghiling ng mga bus sa mga pasahero na magdagdag sila ng halagang kahit man lamang para sa nagsitaasang toll sa mga haywey.

‘Yung iba, halos ayaw nang magsakay naman ng mga senior citizen at estudyante dahil sa 20% diskawnt sa pamasahe.

Malawak na nararamdaman ang pagkalugi ng mga operator at drayber na rin dahil sa sobrang taas ng disel at gasolina na rin para sa mga taksi at traysikel.

oOo

Dapat nang umaksyon ang mga kinauukulan laban sa sobrang mahal na petrolyo.

Hindi nga ba sinasabing makatutulong laban sa problemang ito ang pagkalkal sa mga rekord ng mga kompanyang langis dahil dito makikita kung nagsasamantala sila o hindi?

Mukhang maysakit na kalimot ang mga onorabol sa pagsasabi nilang magkakalkal na sila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply