Buwanang sahod ng bus driver simula na sa Enero

INAASAHANG maipatutupad na sa Enero ang buwanang sahod para sa mga bus driver sa Metro Manila.

Batay sa panayam sa dzMM kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dumaanito sa mahabang proseso kung saan nagsimula pa ang mga konsultasyon noon pang Hunyo bago narating ang nasabing kasunduan.

Ang naturang kasunduan ay nilagdaan sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation and Communications (DOTC), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga kinatawan ng bus transport industry.

Nabatid pa kay Tolentino, magmumula sa DOLE ang wage order sa sandaling matapos na ang compensation formula pagsapit ng Enero.

Inaasahan din ang iba pang benepisyong posibleng matanggap ng mga driver na hindi masasangkot sa anumang aksidente.

Nakatakda ring isunod na ang mga provincial bus driver sa naturang kasunduan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply