CAFGU todas sa ambush sa Agusan del Sur

PATAY ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary (CAA), habang nagawa namang makatakas ang kasamahan nito matapos silang paulanan ng bala ng armadong grupo na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Trento, Agusan del Sur kahapon.

Kinilala ang namatay na si CAFGU Larry Cortez, na inabot ng dagliang kamatayan sa ambush site.

Nakatakbo naman at nagawang makatakas hanggang sa masalubong at mailigtas ng kanyang mga kasamahang CAFGU ang biktima na si Bobby Alsada na dinala sa kanilang detachment sa kanugnog na Brgy. Salvacion.

Sa imbestigasyon, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas- 9 ng umaga habang magkaangkas sa motorsiklong Yamaha ang mga biktima na bumabagtas sa kahabaan ng highway ng Purok Everlasting, Brgy. Cuevas nang paulanan ng bala ng mga armadong rebelde.

Agad na napuruhan ng mga tama ng bala ang backrider na si Cortez habang nagawa namang makalayo sa lugar ni Alsada.

Hindi na inabutan ng mga nagrespondeng sundalo at CAFGU ang mga rebelde na mabilis na nagsitakas.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply