Call centers lugi sa dami ng holiday sa Pinas

ABONADO ang mga business process outsourcing industries o call centers at negosyong electronics ng $40 milyon dolyar matapos ideklara ng Malakanyang na non-working holidays ang Oktubre 31 sa Undas at Nobyembre 7 para sa Eid el Adha (feast of sacrifice).

Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang nasabing mga industriya na may pinagsamang isang milyong manpower na nag-ooperate ng 24 oras, pitong araw isang linggo ay naglalabas ng karagdagang milyong dolyar para sa karagdagang pasahod sa mga tauhan na kailangang magtrabaho tuwing holiday.

Noong isang taon ay nagdeklara si Pangulong Aquino ng 16 na regular holidays, subalit ngayung taon ay dinagdagan pa ito ng apat pa taliwas sa pahayag ng palasyo na pananatilihin ang polisiya ng nakaraang administrasyon sa pakikipag-ugnayan sa sektor ng negosyo na lilimitahan ang holidays sa 16 na lamang.

Nasasaktan ang mga bulsa ng mga industriyang nabanggit dahil sa maraming holidays na nakaaapekto sa mga kakumpitensyang bansa na may kakaunting holidays katulad ng Vietnam na mayroon lamang siyam na holiday sa isang taon.

Inirereklamo rin ng industriya ang gawi ng pamahalaan sa pagdedeklara ng holiday sa napakaikling panahon, kung saan hindi na nakakapagplano ang mga kumpanya na nagpapataas ng gastos sa negosyo at kalakalan.

Kailangan umanong maglabas na ng listahan ng mga holiday ang gobyerno para sa dalawang taong darating upang makapaghanda ang mga kumpanya at hindi mabibigla sa mga overnight declaration ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply