Camille sumabak nang host ni Willie sa Wil Time BigTime

SUMABAK na kahapon, Miyerkoles (Nov. 23) si Camille Villar, ang magandang anak nina Senator Manny at former-Rep. Cynthia Villar bilang guest co-host ni Willie Revillame sa Wiltime BigTime ng TV5.

Ayon sa kanyang amang si Sen. Villar, “Masaya kaming buong pamilya sa page-guest co-host ni Camille sa WilTime. We are very proud of her at nandito lang kaming buong pamilya to giver her moral support.”

One week magiging bahagi ng programa ni Willie sa Kapatid Network si Camille bilang kapalit ni Mariel Rodriguez na pansamantalang nakabakasyon.

Ayon kay Camille, nagsimula lang sa biruan ang pagiging guest co-host niya sa Wiltime BigTime at hindi niya akalaing tototohanin ito ni Willie. Sinabi pa ng dalaga na ginawang tulay ni Willie ang kanyang Mommy Cynthia kaya siya napasabak bilang co-host ng show.

“Nagsimula ito sa biru-biruan, madalas binibiro ako ni Willie na maging host, then he called my Mom and asked for my Mom’s permission at pumayag naman siya,” nakangiting panimula ni Camille.

Sinabi rin niya na natutuwa siyang maging bahagi ng show dahil gusto niyang makasama ang mga mahihirap at ang mga ordinaryong masa na tinutulungan ni Willie via his TV show.

“Sobrang excited ako na makasama ko ‘yung mga tao sa Wiltime BigTime. Medyo nababawasan iyong kaba ko ng kaunti dahil makakasama ko nga si Willie. Palagi naman niya akong tinutulungan at sinusuportahan, so, okey naman.

“One of the reasons kung bakit excited akong mag-host sa Willtime BigTime ay para makasama ang mga taong nagpupunta roon. Maka-usap sila, makapiling sila… at gusto kong makatulong in any way that I can dahil iyon ang itinuro sa akin ng parents ko,” kuwento pa niya.

“Sobrang comfortable rin ako sa show na iyon dahil malimit kaming nagpupunta roon ng daddy ko,” dagdag pa niya.

Posible kayang masundan pa ang stint na ito ni Camille sa showbiz dahil sa kanyang personalidad na masayahin, matalino, at very articulate?

“I’m just trying to focus on doing a decent job in the first week. Hindi ko na iniisip ang iba,” esplika pa niya.

Sakaling namang may offer na show kay Camille, posibleng nakalinya sa public service ang mga hinahanap niyang laman ng programang sasalihan.

“As long as it’s fun and as long as I get to help people, okey naman.

“Oo, iyong tipong public service program, kasi one of the reasons kaya I wanted to join ‘Wil Time BigTime’ was to reach more people and to be with these people,” saad ng dalaga.

Naniniwala ba siyang pabling si Willie?

“Kung ano iyong opinion ng ibang tao kay Willie, opinion nila iyon at nirerespeto ko iyon. Basta ako, I think Willie is very nice, he is a very loyal friend at sa kanya ko natutunan iyong, ‘Walang iwanan.’ Si Willie, matagal na kaming magkasama at mabait siya.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply