Car shows at iba pa…

PALAPIT na ang buwan ng Disyembre kaya naman palapit na rin ang Kapaskuhan. Ngayon pa lang ay marami ng tao sa mga shopping malls na nagsimulang mamili ng mga regalo para sa pamilya, kamag-anak, at kaibigan. Ngayon, kung ikaw naman ay medyo nakakaluwag at gusto mong regaluhan ang iyong sarili o ang iyong pamilya ng bagong sasakyan o di kaya’y bagong abubot para sa iyong sasakyan ay ngayon ang magandang pagkakataon para diyan.

Sa concert grounds ng SM Mall of Asia sa Pasay City ay ginaganap ngayon ang Auto Focus Motorshow & Auto Expo. Andun ang 12 car manufacturers at distributors na nagbibigay ng magandang promotional deals para sa mga naghahanap ng bagong sasakyan.

Andun din ang Banco de Oro (BDO) para sa mga gustong kumuha ng car loan. Puwede pa kayong humabol dahil bukas ang huling araw nito na nagsimula noong Huwebes.

Hanggang alas-9 ng gabi ang motorshow at auto expo na ito. Ang aking pagbati at pasasalamat kay Auto Focus Executive Producer at Host na si Butch Gamboa at sa lahat ng bumubuo ng Sunshine Television.

Sa Nob 24-27 naman ay ang Manila Auto Salon sa SMX Convention Center sa SM Mall of Asia Complex rin sa Pasay City. Ito ang tinaguriang Philippines’ Largest Automotive Aftermarket Show na kung saan makikita ang iba’t ibang piyesa at car accessories tulad ng mag wheels, car seats, car care products at marami pang iba. Ang Manila Auto Salon ay mula sa Trade Show International na sila ring nagsasagawa ng Transport Show, ang pinakamatagal na autoshow sa bansa. Doon ay makikita niyo rin ang booth ng Inside Motoring at Stoplight TV.  Maraming Salamat kay Ms. Sophie de los Santos!

Sa Music Hall naman ng SM Mall of Asia ay ang huling araw rin ng Chevy Motorama mula sa The Covenant Car Company (TCCCI), ang exclusive distributor ng Chevrolet vehicles sa bansa. Ipinagdiriwang ng Chevrolet ang kanilang ika-100 anibersaryo. Dito makikita ang iba’t ibang produkto nila at dito rin masisilayan ang kanilang bagong pick-up na Chevy Colorado. Bata man o matanda ay siguradong masisiyahan kayong lahat sa Chevy Motorama. Binabati ko ang mga taga-TCCCI na sila Atty. Albert Arcilla, Ms. Lyn Buena, at si Ms. Bel Laureola.

* * *

Bukas na ang pinakahihintay ng lahat, ang Pacquiao-Marquez III.  Good luck sa ating Pambansang Kamao Manny Pacquiao! Maraming salamat kay Boss Danny Isla at Carlo Chungunco ng Lexus Manila Inc. sa inyong imbitasyon. Babaha na naman ng masasarap na pagkain at inumin! Makapunta na nga diyan.

* * *

Balita ko ay may bagong consultant for media affairs ang Manila International Airport Authorit (MIAA) na nagngangalang Dennis Esteban Baldivia o mas kilala sa pangalang Dennis Padilla, ang dating konsehal ng Caloocan City.  Si Baldivia daw ay inirekomenda ng isang Cabinet secretary kay PNoy na isang kabayarang pulitikal ata.  Binigyan daw ito ng maximum salary para sa isang consultant na nagkakahalagang P25,000.

* * *

Isang Advance Happy Birthday sa aking ina na si Nina Vergara Quesada na magdiriwang ng kanyang kaarawan sa Nob. 15. Tila numero lang ang edad dahil patuloy ang paglakas at pagsigla ng aking pinakamamahal na ina. I love you Mommy!

* * *

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ-AM 810 khz. Inaanyayahan ko din kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 33 and G-Sat ch. 7. Mapapanood din ito sa iba’t ibang mga cable operators nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply