Career ni Maricel Soriano maghimala kaya kay Boss Vic Del Rosario?

BAGO sa ating headline story, pls allow me my BFFT Pete A. to greet my lady Boss in Tape Productions at well loved sa industry natin na si Ma’am Malou Choa-Fagar. She celebrated her special day last Saturday. And to you Ma’am, wish you all the best and good health as well lalo na’t marami ang mga umaasa sa inyo ni Sir Tony Tuviera.

And I’m very lucky dahil, since 90’s hanggang ngayon ay parati pa ring bukas ang pinto nyo para sa akin. A million thanks for your kindness and love Ma’am Malou. Now for our story, sana magmilagro o maghimala nga ang career ni Maricel Soriano ngayong nasa poder na raw ito ng Viva Entertainment ni Boss Vic del Rosario.

Parang ang gulo naman talaga nang isip ni Maricel at di ito loyal sa kanyang dating friend-manager na si Ma’am Malou na kung naging maayos lang sana siya at di naging magulo ang buhay, marami sana siyang projects rito.

Papaano naman kikilos si Ma’am Malou kung pati sa kanya ay hindi nakikipag-communicate si Maria? kaya ‘yung mga offer para sa kaibigang actress, di talaga niya masagot dahil di nga nakikipag-cooperate ang kanyang alaga.
Masuwerte nga itong si Maricel at sa kabila ng mga pandi-deadma niya kay Ma’am Malou ay ipinagtatanggol pa rin siya sa entertainment press na karamihan halos ay close sa bigwig ng Tape Incorporated. Siguro kung nakatagpo ng malditang manager ang aktres, siguradong wasak na wasak na ang kanyang showbiz career.

Well, sana lang ay hindi bigyan ng sakit nang ulo ni Maria itong kanyang bagong manager na si Boss Vic. Another thing, hindi naman kawalan ang actress kay Ma’am Malou dahil halos lahat ng mga alaga nito like Jose Manalo and Wally Bayola ay talagang namamayagpag. And knowing Ma’am Malou, di pa rin ito magsasalita pagdating sa issue sa kanila ni Maria kung meron man dahil importante lagi sa kanya ang pinagsamahan. Very Christian gyud!

***

Balbonic na winner ng singing talent search ng isang netwotk fly na lang sa Tate dahil sa kawalan ng Career

ZINOLALA ang guwapo at tisoy na balbonic singer na ito na nag-fly na lang sa Tate dahil sa wasang (wala) ng career rito sa Pinas? Kalokah! Lahat ng diskarte ay ginawa na ni Papang mang-aawit as in kumabit na siya sa mayamang bading para may sumuporta sa kanyang career at makilala naman kahit papaano ng publiko, but sad to say, dahil wala siyang nakukuhang full-support mula sa kanyang mother studio hayun at tuluyan nang bumagsak ang kanyang career. Mabuti pa nga noong naroroon pa ang kanyang dating supporter at ongoing pa ang produced drama program nito at naisasama siya sa cast. Na ngayon ay nasa Amerika na nga ang gwaping na ombre at doon na raw nito hahanapin ang kanyang bagong kapalaran. Harinawa’y magtagumpay siya sa kanyang pangarap. Why not gyud?

***

‘Maria la del Barrio’ kinakabog sa rating ang katapat na show

NO CAMPARISON naman talaga pagdating sa kalidad at ganda ng istorya ng Maria la del Barrio ang mga katapat nitong shows sa ibang networks. Sino ba naman kasi ang hindi susubaybay rito sa MLDB eh, kaabang-abang bawat episode nito?

At talagang hindi ka bibitiw sa kanila lalo na’t dumadaan ngayon sa matitinding pagsubok ang mga pangunahing bida ng nasabing Top-rating Kapamilya Primetime Bida teleserye na sina Maria (played by Erich Gonzales) at Luis dela Vega (Enchong Dee). Ang huhusay rin ng supporting cast rito na kinabibilangan nila Sandra (Assunta de Rossi), nanay ni Maria, Blodmair (Aaron Villaflor), kapatid ni Luis at mag-asawang Victoria (Angel Aquino) at Ian Veneracion bilang si Fernando. Kasama rin sa hit na hit na teleseryeng ito sina Dennis Padilla, Jake Roxas, Miles Ocampo Atoy Co at marami pang iba. At dahil sa inyong walang sawang pagtangkilik, extended ang teleseryeng ito nila Erich at Enchong hanggang Pebrero 2012. At narito ang mensahe ng pasasalamat ni Erich sa milyun-milyon nilang viewers ni Enchong sa Maria la del Barrio “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat nang patuloy na sumusubaybay sa amin. Dahil po sa inyo, extended po kami hanggang 2012. Sana po patuloy nyo kaming panoorin.”

Anyway, mula ng umere ang MLDB nitong Agosto lang, nanatiling nagre-reyna ito sa kanilang timeslot. Sa katunayan, ayon sa datos ng Kantar/Media/TNS noong Oktubre ay humataw sa 21.2% ang average national TV rating nito. Dahil sa big success nito ay nagpatawag ang ABS-CBN ng pocket presscon at doon ay buong ningning ding pinasalamatan ng dalawa ang suporta sa kanila ng entertainment press.

Ibinalita rin nilang may bagong papasok na character sa kanilang serye at ito ang dapat abangan ng kanilang mga tagasubaybay. Ang MLDB ay mula sa direksiyon nina Rory B. Quintos at Richard Somes at napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Reputasyon” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply