Caretaker pinugutan sa Cagayan

KASALUKUYAN pang pinaghahanap ang ulo ng isang kawani ng pamahalaang lokal ng Iguig, Cagayan makaraan matagpuan ang pugot na katawan nito sa sa Brgy. Santiago.

Nabatid na naiuwi na ang katawan ng biktimang si Estelito Padilla ng nasabing lugar ngunit hanggang sa ngayon ay patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang ulo nito.

Ayon naman sa maybahay ni Estelito na si Leonita, saka lamang nila nalaman ang sinapit ng biktima noong pinuntahan siya ng sundalong anak na si Sgt. Ceasar Padilla sa binabantayang dam na nakitang nakahandusay at wala ng ulo sa kaniyang kubo.

Posible umanong pinugutan ang biktima gamit ang isang itak.

Si Padilla ay matagal ng caretaker ng dam sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Santiagoc na itinalaga ni Iguig Vice Mayor Ferdinand Trininad noong 1995.

Blangko pa magpahanggang ngayon ang awtoridad sa motibo ng pagpugot ngunit tinitingnan namang anggulo na kagagawan ito ng responsable sa sunud-sunod na pagkawala ng kanilang mga alagang kambing.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply