Caretaker sa distrito ni GMA malabo pa– SB

KONTROLADO pa rin diumano ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kaniyang distrito at hindi pa kailangang maglagay ng isang caretaker.

Ito ang inihayag ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr., kasabay ng pagtiyak na magpapatuloy ang pork barrel ni Gng. Arroyo kahit naka-hospital arrest ito.

Ipinaliwanag rin ni Belmonte na hindi si Gng. Arroyo ang nangangailangan sa pork barrel kundi ang kanyang mga kababayan na umaasa sa programa at proyekto nito.

“At the moment she is pretty much in control of the district. But in the past we only assign a caretaker in case of vacancies. If it reaches the point that it is necessary yes we will assign a caretaker. If convicted with final judgement this is where expulsion enters at hindi lang merely caretaker kungdi expulsion.”

Kinumpirma rin ng speaker na isa si Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo, ang isa sa maaaring humalili sa puwesto ni Gng. Arroyo at mga Pampanga representative na sina Ana York Bondoc, Dong Umali at Carmelo Lazatin.

Matatandaan na una nang inihayag ni Deputy Speaker Erin Tañada na maaaring italaga si Mikey bilang kapalit ng kanyang ina habang naka-hospital-arrest ito.

Kasabay nito ay kumbinsido si Belmonte na mabibigyan ng “due process” ang dating Pangulo sa ilalim ng administrasyong Aquino.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply