Carla Abellana nagpaseksi na nang tuluyan!

GINULAT talaga kami sa text na na-receive namin na si Carla Abellana, ang 2012 Calendar Girl ng Tanduay. Aba! sumusunod na pala siya sa yapak ni Katrina Halili bilang first Kapuso at StarStruck Batch 1 na sumabak din sa pagiging Calendar Girl ng Ginebra.

Pinangatawanan na ni Carla ang pagiging daring at sexy sa kanyang showbiz career buhat nang lumabas siya sa My Neighbor’s Wife kung saan hindi lang basta bedscenes at kissing scenes ang ginawa niya rito.

Ngayon naman ay sexy pictorial ang kanyang ginawa bilang Tanduay 2012 Calendar Girl.

Kapag nagpose ka sa ganitong kalendaryo ay aasahan mong magiging very revealing ang pagiging sexy ni Carla.

Aalamin namin sa kanyang Tuesday presscon sa Tanduay Calendar kung bakit siya nangahas ng ganitong kaseksing pictorial.

000

Wonder Gays member Gray and Green takot sa mga kissing scenes

PRAKTIKAL ang dalawang members ng Wonder Gays nang magkuwento hinggil sa kanilang love life ngayon sa panahong sunud-sunod ang kanilang gigs sa iba’t ibang bar in and out of Metro Manila, bukod pa sa magkakasunod na concert na silang Wonder Gays ang tampok na entertainers.

Nakausap namin sina Gray at Green recently sa office ng kanyang manager na si Lito de Guzman at nasabi sa amin ni Gray na ingat na ingat siya ngayong makipagrelasyon sa mga lalaki dahil bading nga siya, inaalagaan niya ang kanyang boses.

Bawal sa kanilang mga singer na basta-basta makipag-kissing scenes. Sensitive raw ang lalamunan ng singer. Bawal ang sore throat.

Masisira ang araw-araw nilang sched sa pag-awit.

Ani Gray: “Buhat nang naging member ako ng Wonder Gays, isinantabi ko muna ang love life ko. Ayaw kong magkaproblema sa schedule ko, bukod pa sa pinag-iingatan ko nang husto ang health at boses ko. Pangunahing pag-aalaga ng boses, dapat ay may 8 oras na sleep.
Huwag iinom ng alcohilic drinks. Umiwas sa sakit. Laging may vitamin C.

Samantala, si Green na mas mature kay Gray, kaysa love life, iniisip na niya ang kanyang pamilya sa Surigado del Norte. Sinusuportahan niya kasi ang kanyang ina’t mga kapatid.

Ani Green: “Dati’y di nila ako tanggap na bading. Kasi, Christian kami. Gusto ng tatay ko na maging pastor ako. Pero sumakabilang buhay na siya. Dahil sa gusto nilang mangyari sa akin, natuto akong maglayas kaya napadpad ako sa Manila. Nagsikap bilang entertainer at ngayo’y tanggap na nila ang kalagayan ko.

“Ako na rin ang breadwinner. Pinag-aaral ko ang mga pamangkin ko.

“Di naman ako magastos, sapat lang ang itinitira ko sa sarili ko. Malaking kita ay ipinadadala ko sa probinsiya.”

May concert ang Wonder Gays sa The Library sa Malate sa Nov. 30 at Dec. 1, ang bale repeat ng kanilang concert recently sa Zirkoh Morato na may titulong May Nag-Tweet, Har, Har, Har!

Panauhin ng Wonder Gays sia Polo Ravales, Frank Garcia, Aaron Villena, Rowell Quizon, at kasama rin sina Milagring, Luningning, Mariposa, Jeanette Joaquin, Blanktape at ang duo ng The Man na sina Alvin Fortuna at Dennis Coronel. Tampok din ang bagong alaga ni Lito de Guzman na si Ms. Raia Quiroz.

Bukod pa rito, naka-gold na ang first album na Blind Item ng Wonder Gays kaya sobrang saya ang kanilang manager na si Lito.

000

WALA pang isang taon sa boobtube, nagka-award agad ang programang brainchild ni Michael V., ang Pepito Manaloto. Last 25th Star Award for TV, napanalunan nito ang Best Comedy Show.

Naniwala ang buong members ng Philippine Movie Press Club sa programang ito ni Michael V, dahil bukod sa nakatutuwa na, marami pang natutunan ang mga manonood sa mga mensaheng ipinahahayag ng bawat episode ng show.

Sa February, nominee rin ang Pepito Manaloto sa best comedy actor na kinakatawan ni Michael V. Sana’y manalo siya.

Ngayong Sunday, tampok ang mga nagpapanggap na mga maligno sa bagong mansion ni Pepito. Yung nagpapanggap lang pala ay gustong kidnapin ang bagong baby girl nito. Tampok na panauhin si Bryan Yllana.

ooo

TULAD ng Pepito Manaloto ang sinapit ng programang Tween Hearts na napanonood tu-wing Sunday pagkatapos ng Party Pilipinas.
Napili ang Sunday soap ng GMA 7 bilang Best Youth-Oriented Program. In a way, karapat-dapat namang gawaran ng ganitong karangalan ang Tween Hearts dahil buhat nang ipalabas ito bilang episode ng Reel Love, hindi na ito nawala sa ere. Bagkus, naka-ilang extension na ang show at sa ngayon ay pumapalo na ito sa kanilang second season.

Ang sabi’y hanggang February pa raw ito o posibleng ma-extend pa nang mas mahaba ang programa.

Sa totoo, maraming shows na sa mga kalabang network ang sumubok na lumaban sa dito pero ilang beses rin silang nabigo. Papalit-palit na sila ng shows pero ang Tween Hearts ay nananatiling kinagigiliwan dahil tampok dito ang pinakasikat na tween stars ngayon na sina Bea Binene, Jake Vargas, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Joyce Chan, Derrick Monasterio, Kyllie Padilla at iba pa.

Ngayong Sunday, tampok ang masalimuot na love life ng mga tambalang Joshua at Barbie, Bea at Jake, Derrick at Kyllie, at Kristoffer at Joyce.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply