Cartographic sketch ng gunman ni Peek inilabas na

INILABAS na ng pulisya ang cartographic sketch sa suspek sa pagbaril kay Talk’N’Text star Ali Peek alas 7:00 ng gabi ng Lunes.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Mandaluyong police hinggil sa motibo sa tangkang pagpaslang sa PBA superstar.

Base sa inilabas na sketch ng suspek, ito ay may taas ng 5’5″ hanggang 5’6″; 32 hanggang 36 taong gulang; maitim at katamtaman ang laki ng katawan.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa pamamaril, ang suspek ay nakasuot ng t-shirt at shorts na kula khaki.

Samantala, nasa stable na umanong kondisyon ang PBA veteran at kasalukuyang naka confine sa Medical City sa lungsod ng Makati. Nakatakda siyang operahan ngayong araw.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply