Cartographic sketch ng pumaslang sa pulis Bacolod inilabas

INILABAS na ang cartographic sketch ng suspek na pumatay sa pulis na miyembro ng Bacolod City Anti-illegal Drug Special Operations Task Group.

Base sa carto sketch, ang salarin ay may taas na 5’6″, katamtaman ang laki ng katawan at may edad na 30 hanggang 35 taon gulang.

Matatandaan na pinatay si PO3 Rolando Malate noong nakaraang Lnggo ng isang naka-bonnet at nakamotorsiklong lalaki.

Ayon kay Bacolod City Police Office Director Senior Supt. Ricardo Dela Paz, naniniwala siya na malaking grupo ang nasa likod sa pagpatay kay PO3 Malate dahil bagong motorsiklo ang ginamit nito at ilang araw ding sinusundan-sundan ang pulis bago pinaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply