CCP-NPA humihina na ang puwersa

DAHIL sa sunud-sunod na pagsuko sa pamahalaan, humina na ang puwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ipinahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col Arnulfo Burgos, Jr. na posibleng hindi na nakakakuha ng suporta sa mga ordinaryong sibilyan ang mga NPA kung kaya nagde-desisyon na lamang na sumuko ang mga ito.

Kasabay din ng mahinang suporta sa mga ito ay ang pagpapaigting ng Internal Peace and Security Plan Bayanihan ng sandatahang lakas na layon ay kapayapaan para sa mga rebelde.

Matatandaang ng nakalipas na araw ay sumuko ang nasa 80 miyembro ng NPA sa Bukidnon at kahapon (Nobyembre 16) at tatlong miyembro naman ang sumuko sa Abra.

Inaasahan naman ni Burgos na magpapatuloy na ang pagsuko ng mga rebelde sa mga susunod na panahon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply