Ces Drilon kidnapping case bubuhayin ng CA

MULING binuhay ng Court of Appeals (CA) ang kasong kidnapping with ransom laban sa mga dumukot kay ABS-CBN news anchor Ces Oreña-Drilon at tatlong iba pa noong June 8, 2008.

Batay sa ruling ng appellate court 11th division, kabilang sa pinakakasuhan ng kriminal ay sina dating Indanan Sulu Mayor Alvarez Isnaji at ang anak nitong si Haider.

Una nang pinawalang sala ang mag-ama ng Regional Trial Court noong Abril 12, 2010.

Gayunman, sa pag-aaral ng CA, nilinaw na umabuso sa kapangyarihan ang trial court nang isantabi ang mosyon ng Solicitor General na ibalam muna ang desisyon para makapagprisinta pa ng mas marami at matibay na ebidensiya ang panig ng taga-usig.

“…The decision acquitting private respondents of the crime of kidnapping with ransom is hereby recalled and set aside,” the CA said.

Dahil dito, inatasan ng CA si Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 271 Judge Paz Esperanza Cortes na ipagpatuloy ang pagdinig sa kaso.

Si Ces Drilon at kanyang cameramen na sina Jimmy Encarnacion at Angelo Valderrama kasama si Mindanao State University professor Octavio Dinampo, na nagsilbing guide, ay dinukot habang nasa exclusive coverage trip sa liblib na lugar sa lalawigan ng Sulu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply