CGMA hindi bibigyan ng pardon ng M’cañang

MALABONG bigyan ng pardon si dating pangulong Gloria Arroyo mula kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Batay sa pahayag  ni Jose Luis Gascon, Undersecretary for Political Affairs ng Palasyo, desidido ang administrasyong Aquino sa pagsugpo ng korapsyon sa bansa kaya sakaling ma-convict si Ginang Arroyo sa mga kasong ikinakaharap ay malabong mabigyan pa ng pardon.

Hamon ni Gascon sa kampo ni Arroyo, harapin ang mga kaso sa bansa tulad ng ginawa ni dating pangulong Joseph Estrada na nagpakulong dahil sa akusasyon ng korapsyon.

Tiniyak naman ng kalihim na dadaan sa due process ang mga kaso ni Ginang Arroyo para maipagtanggol ang kanyang sarili base sa kinakaharap na akusasyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply