Chairman na namaril laya pa rin

AT LARGE pa rin makalipas ang isang buwan ang isang kapitan ng barangay sa Pasay City matapos barilin at malubhang nasugatan ang isang kapitbahay nito sa kanilang lugar.

Kinilala ang suspek na hindi pa rin hinahanap ng mga pulis na si Barangay Captain Junie Nobleza ng Barangay 32 zone 3 na sumasakop sa Leveriza street kung saan naganap ang pamamaril sa biktima na nakilala namang si Brian Sy na residente rin ng lugar.

Si Sy ay kasalukuyang ginagamot sa National Orthopedic Hospital sanhi ng mga butong napinsala dahil sa tama ng kalibre .45 baril na ginamit ng suspek na kapitan.

Sa ulat ng pulisya, lasing umano ang kapitan ng sitahin ang biktima na naglalaro ng pool sa kalsada dahil nakakaistorbo umano sa maliit na daanan. Lasing din umano ang biktima kaya’t nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan nila at nauwi sa pamamaril.

Hanggang ngayon ay nangangamba pa rin ang pamilya ng biktima sa nakalalayang suspek na anumang oras ay balikan ang kanilang pamilya. Nagtataka pa rin ang buong barangay kung bakit walang aksyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa kapitan ng barangay at nakabinbin pa rin ang mga opisyal ng Barangay 32  sa Pasay kung sino ang dapat umakto na pinuno ng barangay upang umusad ang kanilang mga proyekto dahil nagtatago hanggang ngayon ang kanilang kapitan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply