Charice handa na sa libing ng ama

NASA Divine Mercy Chapel sa Muntinlupa City ang Pinay international singing sensation na si Charice Pempengco kasama ang kanyang pamilya para sa libing ng kanyang ama ngayong hapon.

Ayon sa manager ni Charice na si Grace Mendoza, bago lisanin ang Divine Mercy Chapel ay muling magbibigay ng statement ang singer at pamilya nito upang pasalamatan ang mga nakiramay sa pagkamatay ng amang si Ricky, 42-anyos.

Samantala, tiniyak naman ni San Pedro, Laguna police chief Supt. John Kirby Kraft na nasa Divine Mercy Chapel na rin, na naayos na ang ruta at security escort para sa paghatid kay Ginoong Pempengco sa huling hantungan nito.

Bukod sa San Pedro police, magbibigay din ng security escort ang pulisya sa bayan ng Bińan, Sta. Rosa at Cabuyao na pagdadaanan ng convoy ng libing.

Naghanda na rin ng limang bus ang pamilya Pempengco para sa mga gustong makipaglibing.

Dakong alas-2:00 ng hapon ay aalis na ng Muntinlupa ang labi ni Ginoong Pempengco at dadalhin ito sa Pasture of Heavens Memorial Park sa Cabuyao, Laguna.

Naghanda na rin si Charice ng mga kanta na handog nito sa amang namayapa na patutugtugin mamaya sa libing nito. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply