Charice humihingi ng hustisya

HUMIHINGI ngayon ng hustisya ang international singing sensation Charice Pempengco sa pagpatay sa kanyang amang si Ricky.

Sa pagbabalik sa bansa ni Charice, iginiit nitong mabigyan ng katarungan ang ama na sinaksak ng suspek na si Angel Capili na hanggang sa ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad.

Kasabay nito, nilinaw ni Charice na naayos na rin kaagad ang anumang hindi pagkakaunawaan sa loob ng kanilang pamilya.

Aminado si Charice na hindi siya makapaniwala sa sinapit ng ama na kaagad na dinalaw sa burol nito sa Divine Mercy Chapel sa Muntinlupa City.

Kasabay nito ay bumuo na ngayon ng Taskforce Pempengco ang Laguna PNP upang tutukan ang kaso ng pagpaslang kay Ricky Pempengco.

Sinabi ni San Pedro, Laguna PNP Chief Sr. Supt. Kirby Kraft na mayroon na ring tumutugis sa suspek sa pagpatay na si Angel Capili, Jr. na itinuro ng mga saksi sa pagpatay.

Lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na hindi magkakilala ang biktima at suspek dahil bukod sa halos hindi nag-abot ang mga ito sa pagtira sa naturang baranggay ay wala rin makapagsabi na magkaibigan o magkakilala man lang ang dalawa.

Posible ring masampahan na ng kaso ngayong araw si Capili.

Ayon kay Kraft, ito ay dahil sa tukoy na kung sino ang suspek at kanila na lamang aantayin ang iba pang pahayag.

Sinabi ni Kraft na bukod sa P100,000 pabuya ay nakiusap na rin sila sa ina at maybahay ni Capili na kausapin ang suspek at pakiusapang lumabas at harapin na ang kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply