Charice may premonisyon sa pagpanaw ng tatay

MAY premonisyon ang Pinay singing sensation na si Charice Pempengco sa pagpanaw ng kanyang amang si Ricky Pempengco.

Sa kanyang official Twitter account, ikinuwento ni Charice na may nakasama siyang lalaki na kamukhang-kamukha ng kanyang tatay nitong nakaraang Lunes ng gabi.

“Last night, may kasama ako pero sabi ko kamukha niya ang daddy ko. Di ko alam na nagpaparamdam na pala siya,” ani Charice.

“Natuwa ako nang makilala ko ang mahiwagang lalaki dahil matagal ko na ring hindi nakikita ng personal ang tatay ko,” dagdag pa ni Charice.

Aniya, kinilabutan na lamang siya nang kanyang matanggap ang balitang namatay na ang kanyang daddy dakong alas-9 ng gabi noong Lunes, ang oras rin na kanyang nakilala ang aniya ay mahiwagang lalaki.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Cahrice na maganda ang relasyon nila ng kanyang Daddy Ricky bago dumating ang kanilang problemang pampamilya.

Ibinida rin nito na nais ng kanyang tatay na maging isang sudnalo siya dahil sa kanyang ipinapakitang kakaibang tapang sa pagharap sa buhay.

Sa kabila nito, sinabi ni Charice na mahal na mahal niya ang kanyang Daddy. I loved him and I will still love him. He’s still my Dad after all,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply