Charice pauwi na ng Pilipinas mula sa Singapore

PAUWI na ng Pilipinas mula sa Sinagpore ang International Singing Sensation na si Charice ngayong gabi bunsod ng pagkamatay ng amang si Ricky Pempengco.

Ang mismong ina ni Charice na si Raquel Pempengco ang nagsabing mamayang alas 11:45 gabi dadating ang singer.

Si Charice ay nakatakdang lumabas sana sa David Foster and Friends concert sa Singapore ngunit mas pinili niyang bumalik ng Pilipinas para masilayan ang amang pinaslang kagabi (Oktubre 31) sa kanilang bayan sa Laguna.

Gayunman, humingi ng paumanhin si Charice sa kaniyang fans sa Singapore sa pamamagitan ng kaniyang Twitter at ipinabatid na hindi na siya makakasama sa nabanggit na konsiyerto dahil sa pangyayari sa kaniyang pamilya.

Kaugnay nito, sinabi ng ina ni Charice na si Raquel na plano sana nila ng kanyang dalawang aak na magkaroon ng tahimik na lamay at paglilibing kay Ricky ngunit kanilang nabatid na ayaw ng pamilya ng mister na ibigay sa kanila ang bangkay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply