Charice Pempengco plastikada!

PARA hindi masira ang kanyang image, kahit na hindi pa tapos ang kanyang Asian Tour ay kaagad na umuwi ng bansa ang ingratang si Charice Pempengco para masilayan ang pinaslang na amang si Ricky Pempengco. Sa kabila ng kanyang pighati ay kitang-kita ang pilit na pag-iyak ng young International Diva at halata rin na gumigimik lamang ito sa kuwentong may lalaking nagpakita sa kanya na kamukhang-kamukha raw ng kanyang Daddy na kumakaway sa kanya.

Talaga lang ha? Sa kaokryan mong ‘yan, magpapakita pa ang iyo’ng ama? Malaking ka-charingan naman ‘yan! Oo! Nandoon na tayo na walang kuwentang ama itong si Mang Ricky dahil iniwan nito ang kanyang mag-iinang Raquel at Charice na that time ay 3 years old pa lamang pero makatarungan ba naman ang ginawa ng mga ito kay Mang Ricky na sa kabila ng kumikita na ng milyong dolyares ang anak sa Amerika ay nakuha nitong deadmahin ang ama sa loob ng napakatagal na panahon?

Kasi kung talagang mabait o ulirang anak itong si Charice, kahit na ilang beses pa siyang pagbawalan ng kanyang Mommy Raquel na tumulong sa kanyang Daddy Ricky ay gagawa pa rin siya ng paraan para mabigyan ito ng suporta. Hindi naman siguro malaking kabawasan sa kayamanan ng pandakekok na singer na ito ang maipagamot niya ang kanyang ama sa Mental Hospital lalo pa’t matagal na nilang alam na may deperensiya ito sa pag-iisip.

Tapos, ngayong patay na ito ay saka sila magkakandarapa sa pagtulong. Kahit pa ‘yung pinakamahal na kabaong pa at sa sosyal na funeral homes pa nila ilagak mag-ina ang burol ni Mang Ricky, wala na rin itong kuwenta dahil hindi na ito mararamdaman pa ng yumaong kaawa-awang construction worker sa San Pedro Laguna.

Imagine, globally famous ang kanyang daughter pero hindi man lang ito nakaranas ng kahit konting kaginhawaan mula sa sariling dugo. Hay naku! Dapat dito kay Charice at sa kanyang Mommy Raquel ay ipako sa krus sa darating na Semana Santa. Sa Pasko, magtika kayo nang mabawas-bawasan naman ang inyong mga kasalanan. Dapat gyud!

****

Ating kilalanin ang 13 housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Unlimited

ISA sa pinaka-colorful ang buhay sa 13 housemates ni Kuya sa Pinoy Big Bother house ay itong Bay Diskarte ng Ormoc na si Kigoy Abarico. Napanood namin ang istorya ng kanyang buhay na dumaan sa matinding pagsubok sa murang edad pa lamang. Iniwan kasi ang nasabing housemate ng kanyang Ina sa tiyuhin nito kung saan pinagmalupitan siya nito na naging dahilan ng kanyang paglayas at pagiging snatcher hanggang sa kanyang paglaki. Ang shocking sa kanya ay ang muling pagkikita nila ng kanyang ina sa isang drug-bust operation. Bata pa lang kasi si Kigoy ay dealer na siya ng Marijuana sa kanilang lugar sa Ormoc. Nagkaroon pala ng kasintahan si Kigoy at nang mabuntis ay iniwan siya nito dahil ayaw ng babae na makagisnan ng kanilang anak na ang ama nito ay isang hold-upper. Mula noon ay unti-unti na itong nagbago at sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya ay malaking senyales na tulut-tuloy na ito sa kanyang pagbabagong- buhay.

Sundan ang iba pang mala-teleseryeng buhay ng mga co-housemates ni Kigoy na mapanonood sa Kapamilya network pagkatapos ng My Fair Lady.

Last Wednesday ay ang kuwento naman ng housemate na Promdihirang Tisoy ng Marinduque na si Joseph Biggel ang siyang nai-feature sa PBB Unlimited Stories. Ilan pa sa mga hosemates ni Kuya ay ang mga sumusunod: Jazz Manabat, Slatter Young, Tin Patrimonio, Roy Gamboa, Kevin Fowler, Liz McClinton, Pamu Pamorada, Paco Evangelista, Kim De Guzman, Seichang Ushimi at Divine Maithland-Smith, ang darling Dude ng Cebu. Pinoy Big Brother Unlimited is directed by Laurenti Dyogi. Also the man behind the big success of PBB here in the Philippines and hosted by Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, Robi Domingo and Martin Concio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply