Charo Santos hindi tumayo sa standing ovation para kay Nora?

HINDI namin napansin kung tumayo o hindi si Madam Charo Santos para sa standing ovation para kay Nora Aunor nang ginawaran ito ng Life Achievment Award sa nakaraang Star Awards for Television. Ito ay may kinalaman sa programa ng aktres na Superstar na itininutring the longest running variety show in the country.

Ito kasi ngayon ang tsika dahil in ealier awards night ay hindi raw nagpansinan sina Nora at Ms. Charo as in, nag-iwasan.
At sa karagdagang tsika, sa Star Awards for TV ay nananatiling nakaupo daw ang huli nang tanggapin ng una ang kanyang award.

In fairness, kung totoong hindi tumayo si Ma’am Charo ay marami din naman ang hindi tumayo. Bakit binibigyan ito ng kulay dahil ba nagbigay noon ng statement ang aktres na galit siya ABS-CBN particularly, kay Ms. Charo?

Posibleng isipin na may konek nga ito sa ‘galit’ ng aktres sa network. Pero hanggang ngayon ay ayaw magbigay ng detalye o walang nababasang pahayag ng aktres kung ano ang ikinasama ng loob nito sa presidente ng ABS-CBN. Ang tanging nasabi nito ay masaya siya sa TV5 dahil maganda ang trato sa kanya ng mga tao, binibigyan siya ng malaking importansya at tinutupad kung ano ang ipinangako sa kanya.

Sa nasabing okasyon, gumawa ng eksena si Richard Gomez nang umakyat si KC Concepcion sa stage bilang presenter.

Lumapit ang aktor para bumeso at nang nakabalik na sa microphone ay agad itong nag-punchline, “I know your mom.”

Maraming tumawa dahil obviously alam nilang naging syota ng aktor si Sharon Cuneta.

Parang totoo din ang tsika na nag-isnaban sina Piolo Pascual at KC who was so sexy and gorgeous in her black attire. She was pretty kaya naisip namin na naka-move on na siya sa break-up nila ni PJ. Magkaiba sila ng daanan, si Piolo ay labas-pasok on the left side of the stage while KC naman, on the right side.

And how true na hindi daw nagkita ang dalawa sa backstage o dressing room dahil magkaiba sila ng lugar?

Samantala, rumesbak si Enchong Dee sa kanyang mga detractors through his acceptance speech nang tanggapin nito ang kanyang award for Best Actor category in an episode in MMK.

Aniya, maraming bumabatikos sa kanyang pag-arte, bano daw siyang umarte kaya dapat siyang mag-acting workshop.
Inamin nitong sumama ang kanyang loob kaya ginawa niyang hamon ang nasabing batikos at hindi siya hihinto sa pag-aral ng pag-arte hang- gang hindi siya gumaling.

Heto na ang kanyang sweet vindication, ang pagkapanalo nito ng Best Actor sa isang episode ng MMK.

Medyo sa huling bahagi ng programa dumating si Gretchen Barretto with her entourage plus Tonyboy Cojuangco. May bulung-bulungan na nagpa-dramatic entrance ito pero I am not sure kung pinagkaguluhan siya sa lobby ng Performing
Arts Theater dahil marami nang umalis after nagbigyan ng Life Achievement Awards si Nora aunor, German Moreno at Susan Roces.

Masaya kami for Greta for winning the Best Actress award in an episode in MMK.  Also to Ai-Ai delas Alas for winning two awards but sorry, my memory did not serve me well para maalala namin ang mga iba’t ibang kategorya lalo na ang dalawang awards na napanalunan ng komedyana. Blame it sa kakulangan ng kopya ng souvenir program that night. Sold out daw lahat. Nice to hear that!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply