Chief cook kinasuhan ng frustrated murder

SASAMPAHAN na ng kasong frustrated murder ang chief cook ng isang Panamanian vessel matapos nitong saksakin ang kanyang kasamahang crew .

Sa unang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nakilala ang suspek na si Rodolfo Reyes Jr., 42, chief cook ng barko at residente ng Jalandoni Estate-Lapuz, Iloilo City dahil sa  pagsaksak nito sa kanyang kasamahan na si Leowie Villaruel.

Nauna rito ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak sa loob ng Panamanian vessel na M/V Apollo habang naglalayag sa West Philippine Sea na galing sa Thailand at patungong Yokohama, Japan para idiskarga ang kanilang kargamento.

Agad namang dumaong ang barko sa Poro Point sa lungsod ng San Fernando, La Union upang madala sa pagamutan ang biktima.

Naaresto naman agad ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply