Chief sekyu ni Gob inambus, 1 suspek patay

KRITIKAL ang kondisyon matapos ambusin ang chief security officer ni Camarines Norte Goveverno Egay Tallado bandang alas 6:15 gabi ng Biyernes.

KINUMPIRMA mismo ni Gov. Tallado ang pagkakapaslang kay retired SPO2 Roni Bardon ng dalawang armadong lalaki lulan ng isang pulang motorsiklo sa San Vicente Road, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa kanyang ulo at balikat. Dinala umano si Bardon sa Camarines Norte Provincial Hospital at patuloy na nilalapatan ng lunas.

Patay naman ang isang sa mga suspek nang gumanti ng putok ang bodyguard ni Gov. Tallado. Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng namatay na suspek.

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang dahilan ng pananambang kay Bardon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply