Chiz duda sa legalidad ng travel ban vs GMA

HINDI kampante si Sen. Chiz Escudero sa legalidad ng pagpigil ng Department of Justice (DoJ) sa balak na pag-abroad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang magpagamot ng kanyang karamdaman.

Ani Escudero, upang matiyak na walang paglabag sa batas ang pagpigil sa byahe ni Arroyo, dapat isampa na ng DoJ ang kasong election sabotage sa korte at hilingin ang hold departure order (HDO) laban sa dating pangulo.

Naniniwala si Escudero na kailangang pigilin ang byahe ng dating pangulo sa labas ng bansa bunsod ng mabigat na kinakaharap na kaso ngunit tanging ang korte lamang aniya ang makakapagpalabas ng HDO laban sa isang akusado.

Una na ring tinawag na unconstitutional ng kaalyang senador ni Pangulong Noynoy Aquino na si Sen. Franklin Drilon ang paggigipit ng DoJ sa byahe ng dating pangulo dahil wala aniyang karapatan ang Justice Department na pumataw ng hold departure order batay sa Konstitusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply