Chiz sa Arroyo camp: ‘Wag nang umepal’

HINIKAYAT ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na patunayan na lamang sa korte kung talagang wala siyang kasalanan sa naganap na dayaan noong 2004 presidential elections.

“Sa halip na kuwestiyunin ang teknikalidad sa pagbubuo ng DOJ-Comelec joint panel, dapat samantalahin na lamang ni GMA ang opurtunidad na masagot ang paratang sa kanya, sa korte,” giit ni Escudero.

Ayon kay Escudero, hindi na napapanahon ang pag-kuwestiyon sa teknikalidad sa pagbubuo ng joint panel dahil mismong Commission on Elections na ang gumawa ng pamamaraan upang maitama kung anumang ang kuwestiyon na lulutang pagkatapos isampa ang kasong electoral sabotage.

“Dapat na niyang harapin ang kaso nang parehas at base sa merito ng kaso,” giit ni Escudero.

Ipinaliwanag ng abogadong senador na isang fact-finding committee lamang ang joint panel ng DOJ at Comelec, na aniya ay alinsunod sa itinakda ng batas.

“The DOJ-Comelec was only fact-finding. It was Comelec alone which deliberated on the existence of probable cause to merit the filing of the case, not the DOJ. This is in accordance with the law,” ayon sa senador.

Dahil dito, hinikayat niya ang kampo ni dating Pangulong Arroyo na pagtuunann ang kasong electoral sabotage na nakasampa sa Pasay City Regional Trial Court na nagpalabas ng warrant of arrest at nag-apruba din ng “hospital arrest” niya.

“Huwag nang umepal, at anuman ang kuwestiyon na ipinalulutang ng kampo ni Gng. Arroyo, wala nang saysay ngayon dahil natabunan ito ng mga pangyayari at gumawa ng “curative action” ang Comelec,” patapos ng mambabatas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply