Choco pangregalo!

KAPAG lafangan ng chocolate ang pag-uusapan, tiyak na iisa lang ang sasabihin ng mga tao, “masarap kaya mahirap itong tanggihan.”

Bata, matanda, babae, lalaki lahat ata gusto ng tsokolate. Sa kwentuhan, kanya-kanyang karanasan at pambibida ng pinakamasasarap na tsokolate na kanilang natikman na kung minsan ay mula pa sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa tuwing kakainin tayo ng tsokolate ay ngiti at ligaya ang hatid nito sa atin. Kumbaga, kapag masama ang loob mo ay kumain ka ng tsokolate at tiyak na unti-unting mapapawi ang negatibong pakiramdam mo. Ayon nga sa kasabihan parang nasa “cloud nine” tuwing kakain ng tsokolate.

Maraming paraan para ma-enjoy ang pagkain ng tsokolate. Pwede ito sa inumin, sa cake at ice cream, sa snacks gamit ang prutas, gulay at maging ang Pinoy kakanin. Andyan din ang ilang ulam na hinahaluan na rin ng tsokolate.

Ngayon, ilang araw na lang at sasapit na muli ang Pasko’t Bagong Taon, tiyak na isa sa bibida sa handaan ng mga Pinoy ang tsokolate bilang panghimagas at pang-give aways.

Sure na malalaking ngiti na naman ang mamumutawi sa mukha ng mga bagets kapag nakakain ng masarap na tsokolate recipe. Sabagay, kahit naman ang matatanda ay sumasaya rin sa ilang subo’t nguya ng masarap na pagkaing ito.

Maiksng kasaysayan ng tsokolate

Alam ba ninyo na noong unang panahon ay mapait ang tsokolate di gaya ng natitikman natin ngayon, although may mga mapapait pa ring tsokolate ngayon na tinatawag na dark chocolate ay mas nais pa rin ng mga tao na kainin ito ng matamis.

Noong 16th century inintrodyus ni Columbus kay King Ferdinand at Queen Isabel ang mapait na tsokolate na tinatawag na “bitter Aztec version” (April 2008, Foodie).

Pero dahil kay Conquistador Hernan Cortes ang nakaisip na dagdagan ng asukal at vanilla ang mapait na tsokolate. Humabi rin ng mga tall tale tungkol sa molten drink na ito (liquid chocolate na noon ay tinatawag na xocolatl) kaya naman pumatok ito sa mga elitista.

At hulaan ninyo kung ano ang kulay nito noon…. Aba’y ….. ginto! Oo ginto ang kulay dati ng tsokolate. Hindi ba’t ang cocoa beans (kung saan galing ang chocolate) ay ginagamit na currency noon?

Choco recipes para sa Pasko’t Bagong Taon

Narito ang ilang chocolate recipes na maaari ninyong ma-enjoy gawin at kainin. And since malapit na ang Pasko magandang ipang-regalo rin ito para sa inyong mga anak at inaanak.

I. Choco truffles

Mga kailangan:
450 grams dark chocolate (chopped)
3/4 cuo heavy cream
2 kutsarita ng unsalted butter
1/2 kutsarita (o higit pa) ng puti o itim na truffle oil
Isang bowl ng unsweetened cocoa powder (sifted)

Paraan
Sa isang heavy saucepan ay painitan ang heavy cream at butter hanggang bago bumula. Tapos ay ibuhos ito sa chopped chocolate. Hayaan ng tatlong minuto bago haluing mabuti.

I-mix ng mabuti at ihalo ang truffle oil hanggang mag-blend mabuti.

Palamigin hanggang sa maging set o ilagay sa refrigerator para mas mapadali ang paglamig.

Gamit ang ice cream scoop (upang hindi maging messy) at iskupin ang chocolate mixture para makagawa ng choco balls at pagkatapos ay igulong ito sa cocoa powder. Ulit-ulitin lamang ang pag-scoop upang makagawa ng chco balls hanggang maubos ang mixture.

Makagagawa ng 40-45 truffles. Tsibugan na.

II. Crispy Rice Choco Mallows

Love na love ng mga kids ang chocolate at love na love din nila ang marshmallow. Maganda na pagsamahin ang dalawang ito sa isang recipe.

Sangkap
300 grams ng dark choco coating (coarsely chopped)
1 kutsara ng vegetable oil
2 cup ng rice crispies
2 cup ng maliliit na marshmallows

Paraan
Lagyan ng plastic film o parchment paper ang isang 8×12 rectangular pan. Itabi muna.

Ilagay naman ang hiniwang chocolate sa isang bowl.

Maglagay ng tubig sa isang saucepan at isalang sa medium fire. Kapag kumulo na ang tubig ay patayin na ang apoy.

Ilagay ang bowl na may chocolate sa saucepan ngunit siguraduhing hindi sasayad ang puwitan ng bowl sa mainit na tubig.

Haluin ang chocolate gamit ang wooden spoon hanggang matunaw.

Alisn na ito sa saucepan at ilagay ang vegetable oil.

Ilagay na ang rice crispies at marshmallow at huluing mabuti.

Ibuhos na ito sa rectangular pan at ilagay sa freezer sa loob ng 10 minuto o hanggang sa maging set.

Kapag set na alisin sa freezer.

Hiwain ng maliliit o ng bite size.

III. Kakainin with choco twist

Sa tradisyong Pinoy, tuwing Pasko at Bagong Taon ay naghahanda ng mga matatamis at kakanin. Sabi ng matatanda, ang kakanin ay may hatid na swerte dahil sa pagiging malagkit ng mga ito.

Ang bilo-bilo, puto, kutsinta at suman ay ilan sa mga Pinoy kakanin na mura, madaling mabili at talaga namang love na love kainin.

Love din ng mga Pinoy ang mga sawsawan o dip, lalo na siguro kung ang dip ay chocolate.

Alam ba ninyo na pwedeng isawsaw ang kakanin sa masarap na choco dip. Wow, talagang mouthwatering.

Maaari ninyong isama sa handa ninyong Pasko’t Bagong Taon ang simpleng recipe na ito.

Kailangan

Mga kakanin
20 bilo-bilo (small)
20 kutsinta (small)
20 Puto (small)
10 suman (small)

Maaari ng bumili ng mga kakanin. Kung marunong gumawa ay mas mabuti upang makatipid at mas marami ang magawa.

Kung bibili ay hiwain ng maliliit (bite size) ang suman. Ilagay ito sa magandang bowl. Ilagay rin sa magandang bowl ang iba pang kakanin. Mas maganda kung pare-pareho sila upang maganda ang presentation.

Tablea sauce
6 na fine quality ng unsweetened tablea rolls
1/3 cup ng sugar
1/2 cup ng heavy cream
2 tablespoon ng brandy

Paggawa ng tablea sauce
Paghaluin ang mga sangkap maliban sa brandy sa isang saucepan. Whisk slowly sa mahinang apoy hanggang sa matunaw ang chocolate at ma-acheive ang smooth at thick sauce (sa loob ng 10 minuto). Ihalo ang brandy. Stir and simmer ng 1 pang minuto. I-serve ng mainit.

I-serve ito sa isang bowl at ipalibot sa bowl ng tablea sauce ang mga bowl ng kakanin upang may presentation.
Tandaan na kapag may presentation ay mas masarap na kumain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply