Chop-chop na katawan ng tao, natagpuan sa Valenzuela

NATAGPUAN ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ng isang lalaki sa magkakahiwalay ng lugar sa lungsod ng Valenzuela kanilang madaling araw.

Ang chop-chop na katawan ay nakalagay sa isang sako at itinapon sa boundary ng Karuhatan at Gen. T. de Leon sa naturang lungsod. Ito ay naglalaman ng tuhod at mga kamay ng tao.

Ang pangalawang sako naman ay nakita sa Angeles Extension sa Fortune Village at nakapaloob dito ang iba pang bahagi ng katawan ng tao. Sa di kalayuan naman ay nakita ang ulo nito.

Patuloy pang beniberipika ng pulisya ang impormasyon na ang naturang biktima ay isang nagngangalang Julius Caco at ito umano ay kinilala ang kamag-anak na si George Caco.

Ang biktima umano ay isang barangay tanod ng Barangay Karuhatan base sa ibinigay na impormasyon ni George sa pulisya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply