Christian Bautista ‘lost in space’ ang identity sa panggagaya kay Sam

AT FIRST, nagduda kami sa aming pinapanood kung si Christian Bautista o Sam Concepcion ang aming pinanood sa DZMM noong Biyernes sa programang Todo-Todo Walang Preno nina Ariel Ureta at Winnie Cordero. Just to find out later, it’s Christian but he looks like a medyo mature Sam, sounded like Sam and the body movements, Sam na Sam.

We’re just wondering why of all people sa kanyang self-reinventing ay naging kahawig nito si Sam, sa estilo ng buhok, sa beat ng kanta at pati sa body movements.

Agad naming naalala ang natanggap naming text message na nagsasaad na nakasabay ng aming texter ang dalawa sa iisang plane coming from the south. Nakaupo si Sam ng ilang row malayo sa kinauupuan ni Christian katabi ang ilang kasamahan kaya hindi nito narinig ang paglilitanya ng huli.

Based on the message, ayaw nang makasama ni Christian si Sam sa anumang show as in, never na raw! Ikinagulat daw ito ng mga nakarinig dahil imposibleng mangyayari ito dahil iisa lang ang kanilang manager.

Marami tuloy ang nag-isip na insecure ito kay Sam dahil pagsabayin man sila ng huli ay tiyak na mas papalakpakan ito.
Una, mas magaling na performer si Sam dahil sing-and-dance ang forte nito.

Sa nasabing guesting ay napag-alaman namin na kailangan pala siyang matuto ng fast songs at kailangan mag-aral din ito ng dance steps dahil musical ang kanilang kitchen show na ginawa pa sa Singapore with Karylle.

Malaki nga ang improvement ni Christian dahil pang ‘now’ genaration na ang kanyang kinakanta at may dance movements pa.

Pero bakit sa lahat ng tao ay si Sam pa ang kanyang ginagaya na kinaiinsekyuran nito? Tiyak na darating ang araw na magkaroon ng concert ang dalawa na ang title ay Face To Face or Face-Off.

***

Boy Abunda mas pinili ang magpatayo ng resto kaysa pagpulitika

MASAYANG hinarap ni Boy Abunda ang ilang press na dumalo sa grand opening ng kanyang bagong venture, ang Sir Boy’s Food Republique along Panay Avenue in Quezon City. Kaparner niya rito si Boy So ng Carmela de Boracay at ayon sa kanya, this  early ay may gusto nang mag-franchise sa kanila.

Muli nitong nilinaw na hindi siya kakandidato under the Ladlad Party-list dahil hindi talaga siya cut for legislative work sa Kongreso. Aniya, “Kung i-entertain ko ang pagpasok sa pulitika, gusto ko ay executive function, gobernador ng Eastern Samar para ako ay makatulong. Basta ayaw ko pa rin magsalita nang patapos.”

Nasabi rin nito na all’s well that ends well with Eric Santos as in, nagkabalikan na sila bilang magkaibigan pero nagkaroon na ito ng lamat. Kaya nga hindi maiwasang hinintay siya ng press but there was no Eric na nakita sa pagsasara ng resto na usually ay 10:00 p.m. ang kanilang closing time.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply