Christmas bonus matatanggap na ng Makati employees

MAKUKUHA na ng may 8,130 regular, casual at contractual employees ng lokal na pamahalaang lungsod ng Makati ang kanilang Christmas bonus, 13th month pay at iba pang benepisyo ngayong araw, Nobyembre 16.

Ito’y makaraang iutos ni Makati City Mayor Junjun Binay ang pagpapalabas ng P244,522,000.44 na inilaan sa mga tatanggaping bonuses ng mga kawani upang maaga nilang magamit sa pamimili ng kinakailangan para sa paghahanda sa Pasko.

Ayon kay Mayor Binay, hindi lamang makakaiwas sa pakikipagsiksikan sa malls at department store ang mga kawani kapag maaga silang mamimili kundi makakatipid pa dahil mababa pa ang presyo ngayon kumpara sa presyo ng bilihin kapag malapit na ang Pasko.

Kabilang sa mga matatanggap ng mga kawani ang 13th month pay, fringe benefits na katumbas ng isang buwang sahod, cash gift na P5,000 at P3,000 bilang incentive allowance.

Batay sa rekord ng Human Resource Development Office ng Makati, tatanggap ang mga casual employees na pinakamababang ranggo o may Salary Grade 1 ng hanggang P20,228.48  habang ang pinakamababang ranggo na regular employees ay makakatanggap ng P17,162.50 na mas mababa dahil tinanggap na nila ang kalahati ng kanilang 13th month pay noon pang buwan ng Mayo upang magamit ng kanilang mga anak sa pagbabayad ng matrikula.

Napag-alaman na umaabot sa kabuuang bilang na 5,052 ang mga regular na kawani ng Makati City hall, 3,526 naman ang casual at 552 ang contractual employees.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply