Christmas greetings sa mga OFW aprub sa Palasyo

APRUB sa Malakanyang ang bagong polisya sa mga paliparan na hindi na ipagbabawal ang pagbati ng “Merry Christmas” sa mga darating na OFWs o turista.

Magugunitang sa nakaraang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA), naglabas ito ng memorandum na nagbabawal sa kanilang mga empleyado sa pagbati sa mga pasahero para maiwasan ang pangongotong, pangingikil o paghingi ng pamasko.

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang pagbati sa bawat isa tuwing kapaskuhan ay magandang kaugalian ng mga Pilipino.

Ayon kay Lacierda, huwag lamang maabuso at gawin sa malisyosong paraan para hindi mapagkamalang nanghihingi ng pamasko.

Batay sa report, nilinaw ni MIAA general manager Angel Honrado na wala siyang kautusan na nagbabawal ng Christmas greetings sa loob ng paliparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply