Christmas items sa mga mall ininspeksyon ng DTI, BOC

ININSPEKSYON ng Daprtment of Trade and Industy (DTI) at Bureau of Customs (BOC) ang mga Christmas items na ibinebenta sa mga mall sa Divisoria sa Maynila.

Kabilang sa mga sinuri ay ang mga Christmas lights at mga produktong pang-Noche Buena.

Sa pangunguna ni Trade Secretary Gregory Domingo unang ininspeksyon ang Tutuban mall at nabatid nagkalat ang mga substandard na Christmas lights dito na hindi dumaan sa pagsusuri.

Nadiskubre ring walang safety standard steaker ang mga nasabing produkto na nagpapatunay na ligtas itong gamitin.

Bukod dito, napag-alaman na madali ring masira at maputol ang kordon ng mga Christmas lights na ibinebenta doon.

Sinilip din ng mga opisyal ang presyo ng mga produktong pang-Noche Buena upang malaman kung may nag-o-overpricing.

Kinumpiska naman ang lahat ng mga produktong Pamasko na napatunayang hindi pasado sa safety standard.

Pagmumultahin din ng hindi hihigit sa halagang P175,000 ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng mga sub-standard na Christams lights.

Nagpayo naman ang DTI sa publiko na maging mapanuri upang hindi madaya at maiwasan na magsisi sa huli.

Dagdag pa ng DTI, huwag masyadong magtipid at kumagat sa murang presyo ng nasabing produkto upang masiguro ang kanilang seguridad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply