Christmas lanes ipatutupad ng MMDA

MAGPAPATUPAD ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng Christmas Lanes simula sa unang linggo ng Disyembre.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, maglalabas sila ng mga bagong ruta na daraan ng mga motorista  simula sa susunod na buwan upang tiyaking mas magiging mabilis ang daloy ng trapiko.

Inaasahan ni Tolentino na lalong lalaki ang volume ng trapiko dahil sa magdadagsaan na ang mga mamimili sa mga mall at iba pang establisimyento bilang paghahanda sa paparating na Kapaskuhan.

Kaugnay nito, tiniyak ng MMDA na matatapos na sa Disyembre 15 ang road reblocking at iba pang uri ng mga paghuhukay sa kalsada ng Kalakhang Maynila, partikular na sa Efipanio de los Santos Avenue (Edsa).

Bukod dito, magsisimula na rin ang dry run sa ilalagay nilang mga electronic traffic signages na pinondohan ng isang pribadong kompanya.

Makikita sa naturang signages ang mga detalye hinggil sa kalagayan ng mga kalsada, ano ang dahilan kung bakit matrapik at kung saan sobra ang trapik.

Samantala, dahil sa tumataas na bilang ng aksidente na sangkot ang mga nakamotorsiklo, pag-aaralan na rin nila ang pagpapasok ng bagong alituntunin para sa mga motorcycle rider na gumagamit ng earphone o i-pod.

Base sa talaan, may ilang aksidente na sangkot ang mga naka-motorsiklo na nakikinig ng musika habang nagmamaneho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply