Christmas wish ni PNoy binatikos ng Anakbayan

BINATIKOS ng militanteng grupo na Anakbayan ang Christmas wish ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na tantanan na ang mga banat sa kanyang administrasyon.

Ayon sa national chairperson ng Anakbayan na si Vencer Crisostomo, dapat ay huwag umasta si Pangulong Aquino na parang isang don na akala nito ay Hacienda Luisita ang Pilipinas na maaari niyang utusan at busalan ang mga Filipino.

Aniya, imbes na patulan ang mga kritiko ay dapat na magtrabaho ang Pangulo at resolbahan ang mga problema sa bansa na siyang ugat ng mga kritisismo na ibinabato sa kanya at sa kanyang administrasyon.

Sinabi pa ni Crisostomo na kaya umaaray ang Pangulo sa mga kritisismo ay dahil alam daw nito na hindi tugma ang mga programa at polisiya nito sa mga problema ng mga ordinaryong Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply