Chuckie Dreyfuss sumali sa Survivor Philippines para sa pagpapagamot ng inang may cancer

MATAGAL nang gusto muling bumalik sa showbiz ni Chuckie Dreyfuss pagkatapos na mawala ng 15 years.

Urung-sulong ang kanyang pagbabalik pero nang dumating ang offer ng Survivor Philippines Celebrity Double Showdown, di na nagdalawang-isip ang dating Regal at That’s Entertainment actor noon. Kailangan niya kasi ng pera sa pagpapagamot sa inang si Cindy na may breast cancer.

Gagamitin ang pera para sa chemotheraphy, sabi ni Chucklie kaya nang inalok sa kanya ang Survivor Philippines, di siya nagdalawang-isip. Gusto nyang makipagsapalaran alang-alang sa kanyang ina. Buti na lang, nang dumating ang alok sa kanya ay nakapagpapayat na siya at physically fit kaya madaling nakapasa sa physical exams.

Nang kailangan niya ang partner, madali naman niyang napa-“oo” ang dati niyang ka-love team na si Isabel Granada.

Okay na rin ang pangangatawan ni Isabel. Di biro ang magkasunod na operasyon niya sa myoma at left ovary, bukod pa sa Caesarean ang panganganak niya sa panganay nila ni Geryk Genasky.

Dahil sa tatlong sunud-sunod na operasyon ni Isabel, kahit puede pa siyang magbuntis dahil may right ovary pa sya, nagdadalawang-isip na siyang magbuntis.

Kasi kapag nanganak siya, operasyon na naman. Caesarean kasi kung manganganak si Isa. Kaya pa naman niyang magbuntis sa ngayon, kung iisipin, dahil 35 years old lang siya.

Kahit naoperahan na si Isabel, di pa rin nagbabago ang pagiging athletic nya! Okay pa rin siya sa iba’t ibang sports.

Kaya sa Survivor, ginamit niya ang liksi at bilis para manalo sa reality show ng GMA-7.

***

SUPER busy pa rin Sen. Bong Revilla sa pagiging senador pero hindi siya nawawalan ng oras para sa kanyang nag-iisang teevee show na Kap’s Amazing Stories.

Lalo na ngayon laging No. 1 sa ratings game ang kanilang show dahil infotainment ito. Kahit bata at matanda ay na naa-appreciate ang show.

Tampok pa rin sa Kap’s ang life in the undergrowth last Sunday sa show at patuloy pa ring tinatalakay ang mga insekto na nabubuhay sa kapwa insekto.

***

SOBRA-SOBRA ang saya ni Michael V dahil ang brain child nyang show, ang Pepito Manaloto, ay nakatanggap agad ng best comedy show sa Catholic Mass Media Awards.

Imagine, one year palang ang show pero may award agad!

Dahil sa award at mataas na ratings, mas pagagandahin pa ni Michael V ang Pepito Manaloto next year.

***

SI ALDEN Richards ay nalilito raw ngayon dahil dalawang soap ang nakaumang na gagawin nya next year! Puede raw simulan ni Alden ang soap na unang alok sa kanya. Tapos, puede naman siya mag-segue way sa ikalawang soap dahil matatapos naman ang role nya sa una.

Ganyan na ka in-demand ang binata ngayon dahil napatunayang nakaaarte siya sa “Alakdana.”

Bukod sa teevee saop, in demand din sya sa movies. Lumabas siya sa Tween Hearts, kasama rin siya sa The Road kung saan bida sila ni Louise delos Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply