Circulation manager ng newspaper binoga, patay

HINDI na umabot pa sa ospital ang circulation manager ng isang local daily newspaper sa Socsargen area makaraang barilin habang nasa loob ng kanyang sasakyan kaninang alas-4:00 ng madaling araw, Nobyembre 11.

Nasawi si Alfredo “Dodong” Velarde, 43, may asawa, residente ng Balite Lagao ng lungsod ng General Santos.

Nabatid na kumukuha ng mga newspaper ang biktima nang ito ay biglang nilapitan ng hindi nakilalang suspek at binaril.

Nang mabasag ang salamin ng sasakyan ay nilapitan pa ng suspek si Velarde at saka pinagbabaril ng apat na beses.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng kapulisan ang naturang insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply