Clickers pipindot ng panalo

PATULOY na namimighati ang Shopinas.com Clickers dahil sila na lamang ang wala pang panalong naitala sa nagaganap na 2011-12 PBA Philippine Cup eliminations.

Bokya pa rin sila matapos ang pitong laro.

Bukas hapon (Nobyembre 9) ay mahaharap muli sila sa matinding hamon dahil makakalaban nila ang galing sa panalong Petron Blaze Boosters sa alas-5:15 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa huling laro ng Clickers ay natalo sila ng 21 puntos sa leading team na Rain or Shine Elasto Painters, 75-96, habang ang Boosters na tangan ang 4-3 baraha ay nanaig naman sa kanilang huling laban sa Alaska Aces, 86-80.

Sa second game, pakay ng Talk ‘N Text Tropang Texters na makisalo sa top spot sa pakikipagbanggaan sa Powerade Tigers.

Nagsosolo sa unahan ng team standings ang Elasto Painters na may 6-1 panalo-talo karta habang mag-isa sa segundo puwesto ang Tropang Texters na hawak ang 5-1 record.

Inaasahan naman na ilalabas ng Tigers ang matutulis nilang pangil upang ibunton sa Tropang Texters ang kanilang galit.

Noong Linggo ay minasaker ng Barako Bull Energy ang Tigers 117-78 kaya siguradong ayaw ng huli na muling maulit ang malagim na gabing sinapit nila sa una. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply